BULACAN- PINANGANGAMBAHANG madagdagan pa ang 500 indibidwal na inilikas sa Norzagaray makaraang tumaas ang tubig dahil sa walang humpay na pag-ulan dulot ng Low Pressure Area at amihan.
Nitong Enero 6, ipinag-utos ni Norzagaray Mayor Merlyn Germar na suspendihin ang klase sa lahat ng antas sa kanyang nasasakupan dahil sa flashfloods makaraan ang pagpapakawala ng tubig sa mga gate ng dam ng Angat at Ipo.
Kabilang sa mga gate ng Ipo Dam ang binuksan ay ang radial gate number 2 kung saan nag-release ng tubig ng hanggang 20 centimeters ang taas; radial gate number 5, 50cm hanggang 100 cm at ang total discharge ng tubig ang 686.12cm kung saan tumaas ang tubig ng dam ng 101.25 meter sa nasabing petsa.
Ang Angat dam din ay nag-release ng tubig sa kanilang gate 1 hanggang gate 3 dahilan ng pag-apaw ng hanggang 600 centimers.
Viral naman sa social media ang bahay na tinangay ng baha hanggang mapadpad sa Matictic River sa nasabing bayan.
Samantala, hindi lang sa Norzagaray ang apektado ng pagbaha dahil sa pagpapakawala ng tubig sa dalawang dams kundi ang San Miguel, Bulacan kaya naman ilang residente rin doon ang inilikas. EUNICE CELARIO