TUBO NG TUBIG SINIRA NG CPP-NPA, MGA NAGKUKUMPUNING SUNDALO NIRATRAT

CPP-NPA

IPINAKITA ng Communist party of the Philippine New People’s Army (NPA) na wala silang pakialam sa buhay ng mga sibilyan nang sirain nila ang tubo ng  pinagkukunan ng malinis na tubig na nagsilbi pang pain para tambangan ang mga sundalong magkukumpuni nito.

Ito ang inihayag kahapon ni Capt. Joash Pramis, public affairs chief ng 9th Infantry Division ng Philippine Army nang salakayin ng mga hinihinalang mi­yembro ng New People’s Army (NPA) ang grupo ng mga siblyan at sundalo sa Camarines Sur na ikinasugat ng pitong katao.

Ayon kay Capt.  Pramis, nag-aayos ang apat na sibilyan at mga sundalo ng sirang tubo ng tubig nang biglang umatake ang mga rebelde sa ba-hagi ng Sitio Burong-Burong sa Barangay Malinao bandang alas-7:40, Sabado ng umaga.

Sinabi naman ni Pramis na hindi maibibigay ang pangalan ng mga biktima na kasalukuyang ginagamot sa isang ospital.

Nasa 10 rebelde ang nakasagupa ng tropa ng pamahalaan na tumagal ng 15 minuto.

Dagdag pa ni Pramis, lumabas sa imbestigas­yon na intensyon ng mga rebelde na sirain ang water system sa natu­rang barangay. Dahil may kahalintulad din pangyayari kung saan winasak ng mga NPA at daluyan ng tubig sa kalapit na bayan

Nagpadala naman ng karagdagang sundalo para sa ikinasang pursuit operation sa pagtugis sa mga rebelde. VERLIN RUIZ

Comments are closed.