TUGADE, TINIYAK NA MATATAPOS ANG BICOL INT’L AIRPORT NGAYONG TAON

Bicol International Airport

MAY katwirang magsaya ang mga Pinoy lalo na ang mga Bikolano. Tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arturo Tugade na matatapos ngayong taon at mapapasimulan agad ang operasyon ng P4.8 bilyon Bicol International Airport (BIA) sa bayan ng Daraga sa Albay.

Ayon kay Albay Rep. Joey Sarte Salceda, tiniyak sa kanya kamakailan ni Sec. Tugade na tatapusin nila ang BIA ngayong taon. Sa talaan ng DOTr nitong nakaraang Enero 13, 2021, mga 72.2% nang tapos ang BIA at mabilis ang paggawa nito dahil isa ito sa mga prayoridad sa ilalim ng programang ‘Build, Build, Build’ ng administrasyong Duterte.

Ang BIA ay itinuturing na “Most Scenic Gateway” o pinakamagandang pasukan sa Filipinas dahil sa alindog ng kilalang Bulkang Mayon sa hindi kalayuan. Inaasahang malaki ang maiaambag nito sa pagbangon mula sa pagkakalugmok dulot ng pandemyang Covid-19, lalo na ng pinadapang ‘aviation industry,’ at pagsulong ng matibay na pambansang ekonomiya.

Matapos ang matagal na pagkakalam ng BIA, isinulong ito ng pamunuang  Duterte. Pinasimulan noong 2017 ang ‘Landside Facilities (Package 2A), Runway Extension and Passenger Terminal Building (Package 2B)’ nito.

Sa talaan ng DOTr, 88.2% tapos na ang Package 2A nito kung saan kasama ang Administration Building, Air Traffic Control Building, Crash Fire Rescue Building, at Maintenance Building, habang 49.5% namang tapos ang  Package 2B nito, kasama ang Passenger Terminal Building. Sa ngayon, ‘24/7’ ang programa ng trabaho sa proyekto.

Sa balangkas, tinatayang dalawang milyong pasahero ng eroplano ang mapagsisilbihan ng BIA taon-taon. Inaasahan ding gagawin nitong “economic powerhouse” ang Albay na sentro ng Bikolandia, at bubuksan ang yaman ng Timog Luzon.

“Malaki ang magiging papel ng BIA sa pagbangon ng bansa, lalo na kapag muling nabuksan na ang ‘international travel’” paliwanag ni Salceda na siyang bumalangkas at nagtulak sa proyekto mula noong una siyang magsilbing mambabatas.

Itinuloy niya ang pagsulong sa BIA noong siyam na taong siyang gobernador ng Albay at Bicol Regional Development Council chairman, hanggang bumalik siya sa Kamara noong 2017. Pinasimulan ito noong 2005 ngunit noong 2009 lamang naging masigasig ang paggawa nito.

48 thoughts on “TUGADE, TINIYAK NA MATATAPOS ANG BICOL INT’L AIRPORT NGAYONG TAON”

  1. 190885 774612Exceptional publish from specialist also it will probably be a great know how to me and thanks really significantly for posting this valuable data with us all. 48669

Leave a Reply

Your email address will not be published.