UPANG matugunan ang air travel demand para sa travellers, bumili ang Cebu Pacific ng walong bagong A320 neo airbus mula sa Tianjin China na siyang gagamitin sa mga ruta sa loob at labas ng bansa.
Ayon sa report ang A320 NEO ay gagamit ng “sustainable aviation fuel (SAF) with a 41% blend on its flight from Tianjin to Ninoy Aquino International Airport (NAIA) and vice versa.”
Bukod sa walong airbus mayroon pang dalawa na inaasahan darating bilang pagsuporta ng kanilang programa upang makamit ang kaginhawaan ng mga biyahero.
Gayundin, dahil sa patuloy na travel demand ay mayroon pang darating na karagdagang limang aircraft sa ilalim ng Lease long agreement mula sa isang airline company sa labas ng bansa.
“As travel demands continuous, we hope our new fleet can now support the over all growth of the riding public by providing safe, convenient , and reliable travel for our customers,” ani Michael Szucs CEB Chief Executive Director. FROILAN MORALLOS