TUGON SA BAGONG HAMON

NANG magsimula ang PILIPINO Mirror bilang isang pahayagan para makatulong sa ating mga kababayang may maliit na negosyo, mga gustong magkaroon ng kaalaman sa pagnenegosyo tulad ng working class o ang mga nasa micro, small and medium enterprises (MSMEs) ay isang malaking hamon na kailangang harapin at maging tugon sa pangangailangan mapa-indibidwal man, pamilya o suliranin sa ekonomiya ng bansa.

Sa aming pagbabalita, mahalaga na hindi lamang maiinit na isyu ang aming mailahad sa pahayagan. Nariyan palagi ang pagbibigay ng espasyo sa ating mga maliit na negosyante, mga artikulo tungkol sa “financial literacy” o kung paano yumaman na hatid ni Rene Resurreccion sa kanyang regular na kolum na. “Heto Yumayaman”.

Nariyan din ang pagpitik ng lente ng aming mga photographer sa mga street vendor na araw-araw nakikibaka at patas na lumalaban para makatulong sa pamilya at makaahon sa buhay.

Ang pag-feature din ng iba’t ibang negosyo ng ating mgakababayan, ng mga artista, ng mga atleta at marami pang iba para bigyang halaga ang kanilang ambag sa ating lipunan at ekonomiya ng bansa dahil aminin natin, nakapagbibigay sila ng trabaho at oportunidad sa ating lahat.

TUGON NG MSMES BILANG BACKBONE NG EKONOMIYA NG BANSA

Para mapanatili ang pagiging matatag ng ekonomiya ng bansa, ayon kay Aistine Dy ng Hediu Grill Station na matatagpuan sa SM By The Bay, ay sa pamamagitan ng trabaho sa nakararami. Kanyang ipinunto ang “job mismatch” na dahilan sa kakulangan ng trabaho.

“Mapananatili ng MSMEs ang pagiging backbone of the economy ng bansa una sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa nakararami. Marami sa atin ngayon ay nakararanas ng ‘job mismatch’ dahil sa kakulangan ng trabaho.

Karamihan ng job vacancies ngayon ay provided ng MSMEs,” “Pangalawa, sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga indigenous peoples (IPs) groups. Maraming produkto mula sa IP groups sa bansa ay may potensiyal na makilala sa ibang bansa. Sa ganitong paraan, natutulungan natin sila (IPs), natutulungan pa na­ting mapataas ang export rate ng bansa natin,” ayon pa kay Aistine Dy.

Mula naman sa panig ng Association of Filipino Franchisers Incorporated (AFFI), isang pangunahing samahan sa Pilipinas ng mga negosyante na isinusulong ang kahalagahan ng MSME sa pamamagitan ng franchising.

“Ngayon na nagsimula nang bumaba ang cases ng COVID-19, nagsimula na ring bumalik ang mga tao sa paglabas ng kanilang tahanan at unti-unti nang umaandar ang ating ekonomiya. 96% ng mga negosyo sa ating bansa ay binubuo ng MSMEs kaya napakalaking backbone ito para sa atin,”

“Dito sa amin sa AFFI, nakita rin namin na nagkaroon ng malaking oagtaas ang mga nagtatanong ng franchise, kaya tinugunan namin ito sa pagkakaroon ng kauna-unahang ‘franchise roadshow’ sa malls – ang ‘HAFFINESS Franchise Roadshow’ na isang series of mall tours at sinimulan naming itonoong April 28, 2022 sa Vista Mall, Sta. Rosa,”

“Kasama namin ditto ang mga franchiser ng AFFI at ang mga ka-partner sa negosyo, ang DTI sa Laguna, sa pamumuno ni Provincial Director Clarke Nebrao at ang PLDT Home Biz na tumutulong sa MSMEs. Sa franchise roadshows na ito, magaganap buong taon, kami na po ang lalapit sa mga naghahanap ng franchise. Iikot kami sa mga malls,”

“Ang susunod na tour ay sa June 24 – 26, 2022 sa Eastwood Mall at sa June 8-12, kasama kami ng DTI sa SM Megamall at isa rin sa aming gagawin ngayon taon ay ang pagdala ng ating home-grown franchisers sa ibang bansa bilang tulong namin sa kanilang ‘business expansion’. Sa June 15-17 naman, kami po aypupunta sa isang event sa Thailand para ipakilala ang mga ini-o-offer na franchise ng ating franchisers, at sa August 2022 naman ay sa Canada. Sa programang ito, maipakikilala natin sa ibang bansa ang mga produktong Pinoy at makatutulong din ito sa pag-bounce back ng ating ekonomiya! Dahil ang produktongPinoy ay pang world class!” pahayag ni Jaypee Morales, pangulo ng AFFI, tungkol sa kanilang mga programa na makatutulong sa MSMEs at sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa. CRIS GALIT