NAG-ISYU ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng dalawang magkaibang Notices to Airmen (NOTAM) C0799 at C0798, para sa temporary closure ng Tuguegarao Airport sa lambak ng Cagayan.
Ito ay upang sumailalim sa renovation ang bubungan ng airport dahil sa pinsala sa matinding hagupit ng bagyong Florita kamakalawa.
Nagsimula ang naturang temporary closure ng airport bandang alas 10:36 kahapon ng umaga, at tumagal hanggang sa alas- 4:00 ng hapon.
Ayon sa report na nakarating sa opisina ng CAAP, nasira ang roofing ng airport terminal, dahil sa sinasabing adverse effect ng weather condition nitong mga nakaraang araw.
Bukod sa bubungan kinakailangan din i-check ng mga tauhan ng CAAP ang Flight Service Station (FSS), ang pinakaimportanteng kagamitan para sa mga piloto bago lumanding.
Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa malinaw sa mga taga CAAP ang kabuuang halaga ng napinsala sa naturang airport dahil hinihintay pa ng mga ito ang final report ng mga area manager ng region 1 at 2.
Samantala, kinansela naman ang walong domestic flight ng Cebu Pacific at Philippine Airlines (PAL) patungong Basco, Batanes, San Jose, Mindoro at Tguegarao at vice versa dahil sa epekto ng Typhone Florita. Froilan Morallos