BULACAN — Isang tulak ng droga ang nahuluhan ng P1.7 milyon halaga ng shabu sa isang buy-bust operation sa lalawigan nitong Lunes ng hapon.
Kinilala ni Col. Manuel Lukban Jr., Oic Bulacan police director, ang suspekna si ide Anthony Montefalcon, residente ng Tramo 1, San Isidro, Sucat Paranaque na isinailalim sa isang buy-bust operation sa Daang Barrio, Brgy. Gaya-Gaya, Lunsod ng San Jose del Monte bandang 5:40 ng hapon.
Nasamsam kay Montefalcon ang 250 gramo ng hinihinalang shabu.
Samantala, dalawang suspek, na kinilalang sina alias Fernan at alias Totoy, ang nahuli rin sa isang anti-drugs operation sa bayan ng Baliwag at nakuha sa kanila ang apat na plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu. ANDY DE GUZMAN