TULAK NANLABAN SA PULIS

nanlaban

LAGUNA – NASAWI matapos magawa umanong manlaban sa mga kagawad ng San Pablo City PNP Drug Enforcement Unit (DEU) ang itinuturong lalaking drug pusher habang aktong nagsasagawa ang mga ito ng buy bust operation sa Brgy. San Pedro lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ni Laguna PNP Provincial Director PCol. Eleazar Matta, nakilala ang napatay na suspek na si Rolando Castillo y Baraceros, nasa hustong gulang, tubong Doña Victoria St., Brgy. 10, Lucena City, Quezon.

Sinasabing napapabilang sa street level pusher ang suspek kung saan patuloy umanong nagbebenta ito ng droga sa iba’t ibang lugar sa lungsod ng San Pablo.

Sa imbestigasyon, dakong alas-10:45 ng gabi ng magkasa ng buy bust operation ang nasabing operatiba sa pamumuno ni DEU Chief PMajor Ricky Dalisay at kanyang mga tauhan nang hindi umano inaasahang manlaban ng suspek na agad nitong ikinamatay matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang katawan.

Narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente ang isang kalibre 9mm na baril na ginamit ng suspek, maliit na pitaka na naglalaman ng hindi pa mabatid na gramo ng shabu, weighing scale, drug paraphaernalias at drug money.  DICK GARAY

Comments are closed.