LAGUNA – TINATAYANG nasa mahigit na 20 gramo ng shabu ang nakumpiska ng mga kagawad ng Calamba City PNP Drug Enforcement Unit (DEU) mula sa itinuturong tulak ng droga matapos magkasa ang mga ito ng buy bust operation sa Brgy. Real.
Batay sa ulat ni Supt. Harold Depositar, hepe ng pulisya, nakilala ang naarestong suspek na si Jerry Esguerra, 38, alyas “Batuts”, binata, residente ng Brgy. Parian, lugar na ito.
Alas-10:15 ng gabi nang magkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ni Depositar sa pamumuno ni Calamba City Deputy Chief PCI Mark Julius Rebanal at kanilang mga tauhan habang isa sa mga ito ang nagpanggap na buyer gamit ang halagang P1,000.
Sinasabing doon mismo sa lugar hindi na nagawa pang makapalag ng suspek sa pulisya kasunod ang pagkakumpiska sa kanyang pag-iingat ng 5 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets ng shabu na umaabot sa halagang P80,000 street value, hinihinalang drug money na mahigit na P15,000 at isang maliit na transparent box.
Paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (RA 9165) ang isinampang kaso ng pulisya laban sa naarestong suspek kung saan kasalukuyang nakapiit sa Calamba City PNP Lock Up Cell. DICK GARAY
Comments are closed.