TULAK TODAS, ISA SUGATAN, 21 NALAMBAT SA DRUG OPS

BULACAN-ISA patay ,isa sugatan at 21 pang drug suspects ang nadakip sa serye ng anti-illegal drug operation na nauwi sa engkuwentro sa bayan ng San Rafael at Malolos City sa lalawigang ito ka­makalawa.

Kinilala ni P/Col.Lawrence Cajipe,Bulacan police director,ang drug pusher na si alias Potpot na nasawi sa engkuwentro bunga ng tama ng bala sa katawan habang nakilala naman ang nasugatang si Rolando Quintos Jr ng Barangay Mambog,Malolos City matapos kumasa at magtamo ng tama ng bala sa kaliwang braso kaya napilitang sumuko.

Kamakalawa ng hatinggabi nang magkasa ng buy-bust operation ang Station Drug Enforcement Unit(SDEU)ng San Rafael police sa pangunguna ni P/Lt.Col.Ferdinand Germino,Chief of Police ng San Rafael Municipal Police Station sa Barangat Caingin,San Rafael na ang target ay si Potpot na dumating sa lugar ng transaksyon angkas ng motorsiklo.

Nabatid na nakatunog si alias Potpot na pulis ang katransaksyon kaya bumunot ng baril at lumaban ng sabayan kaya napatay habang nakatakas ang kanyang kasama sakay ng motorsiklo at narekober dito ang isang caliber 38 revolver at 11 pakete ng shabu.

Samantala,nadakip naman si Quintos na napilitang sumuko sa SDEU operatives ng Malolos police matapos mabaril sa kaliwang braso at marekober sa kanya ang isang caliber 22 na kargado pa ng apat na bala at tatlong maliit na pakete ng shabu,sling bag,patalim , buy-bust money at dalawang cellphone na gamit nito sa iligal na transaksyon.

Habang,21 pang drug suspects ang nadakip ng SDEU operatives sa sunod-sunod na buy-bust operation sa Barangay Perez,Meycauayan City; Barangay Saog at Barangay Sto.Rosa,kapwa sa Marilao;Barangay Wakas,Bocaue;Barangay Pinaod,San Ildefono;Barangay Banga 1st,Plaridel,Barangay Taliptip,Bulakan; Barangay Kakarong Matanda,Pandi at Poblacion,Hagonoy.

Pawang nakakulong ngayon ang mga suspek matapos makumpiskahan ng kabuuang 49 pakete ng shabu,16 pakete ng damo,isang motorsiklo at buy-bust money. MARIVIC RAGUDOS

3 thoughts on “TULAK TODAS, ISA SUGATAN, 21 NALAMBAT SA DRUG OPS”

  1. 913033 675150There a few fascinating points in time in this post but I dont know if I see these center to heart. There might be some validity but Ill take hold opinion until I explore it further. Outstanding article , thanks and then we want a whole lot a lot more! Put into FeedBurner too 538850

Comments are closed.