TULAK TUMBA, 9 PA HULI SA BULACAN DRUG WAR

shabu

BULACAN – ISA pang notorious drug pusher ang napatay makaraang manlaban sa Drug Enforcement Unit (DEU) ng San Ildefonso police habang siyam na iba pa ang nadakip sa bayan ng San Miguel at San Jose del Monte City, Bulacan kamakalawa ng gabi at kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni San Ildefonso Police Chief  Lt.Col.Voltaire Rivera, ang napatay na si Peter John Gregorio alyas PJ na kabilang sa PDEA/PNP drug watchlist at residente sa nasabing bayan na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at nakumspiskahan ng 6 na pakete ng shabu, kalibre 38 revolver at buy bust money.

Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling araw nang magkasa ng buy bust operation ang DEU ng San Ildefonso-PNP sa Barangay Lapnit, San Ildefonso nguni’t nakatunog ang suspek na si Gregorio at kanyang kasama na riding in tandem kaya bumunot ito ng baril at nanlaban kaya napatay habang nakatakas naman ang kanyang kasamahan lulan ng Yamaha MIO.

Samantala, ini-report naman ni San Miguel Police Chief Lt.Col. Agosto M. Asuncion na apat na pusher ang nadakma sa kanyang bayan habang  lima sa SJDM City na kung saan 13 pakete ng shabu, drug paraphernalias at buy bust money ang narekober sa anti-illegal drug operation sa nasabing bayan at lungsod. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.