Lahat ng tao ay nakaranas na maging Paslit at isang Bata,
Walang Malay kung alin ang makabubuti at Nakasasama.
Kaya naman ang mga Nakatatanda ang silang halimbawa
Dahil ang kanilang ginagawa sa mga Mata ng Bata ay Tama.
Ano man ang nakikita sa Matatanda ay ginagaya at tinutularan
Basta Mabuti ito… ‘yan ay pakinabang…
Kapag ang nakita naman ay Mali at Mapanlinlang,
Pagkakataon na ito para itama ng mga Kabataan.
Kaya nga Nakalulugod na maraming mga lokal na Opisyal ngayon,
Mga Kabataan sa makabagong Henerasyon…
Puno ng Idelohiya, Pangarap at Determinasyon
Mabago nawa nila ang Politikang nakabatay pa sa Lumang Panahon.
Iwaksi nawa ng mga Bagong Lider ng Bayan,
Pag-iimbot at Pagpapasikat at Pagpapayaman.
Huwag nawa silang Malulunod sa Kapangyarihan
Maging totoo sa paglilingkod sa mga Mamamayan.
Mga Negosyante at Mamumuhunan sa kanilang mga Siyudad at Bayan
Huwag nawa nilang Pahirapan, Abusuhin at Pagsamantalahan.
Ease of Doing Business kanilang patunayan…
Para mga Negosyante ay mawili sa Pagnenegosyo at Pamumuhunan.
Kaya dasal ng Pitak na ito sa mga Makabagong lider ng Bayan…
Nawa ay huwag kayong patutukso sa Kapangyarihan…
Tandaan na ang lahat ng mga Nangyayari sa Buhay ay Pansamantala lang
Lahat ng May Simula ay May Wakas na kahahantungan.
(Si Edwin Eusebio ay araw-araw na naririnig sa DWIZ 882 am Radio)
Comments are closed.