(Tulay bumagsak) 5 PINOY SA TAIWAN SUGATAN

Bridge

Mula sa pahina 16

Ito ang ulat na nakalap ng Department of Labor and Employment (DOLE) mula sa Manila Economic and Cultural Office (MECO) kahapon.

Sa report na ipinarating ng MECO, nakabase sa Taipei ang tatlong OFWs na nasugatan matapos na bumagsak ang  tulay sa isang pantalan sa Northern Taiwan nitong Martes.

Kasalukuyang inaalam ng POEA at OWWA ang pagkakakilanlan ng mga nasaktang Pinoy sa insidente.

Nabatid na may anim katao ang malubhang nasaktan habang sa ulat na inilibas ng Taiwan’s Central News Agency ay may siyam katao ang nahulog sa tubig at pito ang nailigtas.

Sinasabing may mga fishing boat ang nabagsakan nang nag-collapsed na tulay at pina­ngangambahang may mga tripulanteng na-trapped.

Ayon kay Gerry de Belen, Meco Director at information officer, pinakilos agad ng pamahalaan ang mga nakatalagang Philippines’ assistance to nationals at welfare officers para alamin ang kalagayan ng mga biktima at kung may iba pang Filipino na nasaktan sa insidente.

“From what I experienced here, in my limited stay, this was [the] first time that such a big infrastructure was reported to have collapsed,” paha­yag ni De Belen sa isang panayam. VERLIN RUIZ

One thought on “(Tulay bumagsak) 5 PINOY SA TAIWAN SUGATAN”

Comments are closed.