TULAY BUMAGSAK: 5 TODAS, 2 KRITIKAL

DAVAO CITY-UMAKYAT na sa limang construction workers ang nasawi habang dalawa ang nasa malubhang kalagayan matapos na mag-collapsed ang ginagawang tulay sa lalawigang ito nitong Lunes ng hapon.

Sa inisyal na ulat, bumagsak ang ginagawang tulay bandang alas-3:30 kamakalawa ng hapon sa Sitio Kibakak, Barangay Malamba, sa Marilog District, Davao City.

Ayon kay Dario Dispo, 42-anyos, Foreman ng Bojus Sun Builders & Supply Corporation na sampu katao ang nagtatrabaho nang maganap ang pagguho subalit pito sa mga ito ang na-trap habang nagkakabit ng side panel gamit ang isang boom truck.

Sa pitong naipit, lima ang namatay na kinilalang sina Cris Napao,44-anyos, mason; Jimboy Liga, 28-anyos, boom truck operator; Elmer Sayson, 44-anyos, foreman; Jay Bangonan, 22-anyos, mason at Rolando Abing, 40-anyos na piyon.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Kibalang Hospital ang dalawang grabeng nasaktan sa pagbagsak ng tulay na sina Meljay Bero at Jonathan Dispo. VERLIN RUIZ