TULAY BUMIGAY: 2 STUDES NAHULOG

DAVAO ORIENTAL – DALAWANG estud­yante ang nahulog sa ilog  matapos bumigay ang tulay na dinaraanan nila kasunod ng masamang panahon sa Caraga sa lalawigang ito.

Batay sa ulat, bu­magsak ang tulay na gawa sa kawayan dahil sa malakas na agos ng tubig.

Suwerteng nakahawak sa bato ang isa sa mga estudyante at kanilang guide habang naanod naman ang isang estudyante.

Sa kabutihang-pa­lad, naanod ang estud­yante sa mababaw na bahagi ng ilog at nakaligtas silang lahat.

Samantala, nagbagsakan naman ang ilang puno sa bayan ng Boston.

Sa Mauban, Que­zon, pinasok ng tubig-baha ang ilang kabahayan matapos ang walang tigil na pag-ulan.

Gumuho naman ang lupa sa kahabaan ng Andaya Highway sa Lupi, Camarines Norte.

Base sa PAGASA, nagdulot ng pag-ulan ang low pressure area, na dating Tropical Depression Quirubin, sa Visayas at Mindanao.

Nagpaulan din ito sa Quezon Province kasabay ng shear line.

EVELYN GARCIA