TULAY GUMUHO: 1 PATAY, 2 SUGATAN

DAVAO CITY- AGAD na binawian ng buhay ang isang 19-anyos na steelman habang sugatan naman ang dalawa nitong kasamahan matapos gumuho ang isang bakal na tulay sa Panacan sa lalawigang ito.

Sinabi ng pulisya na nagtatrabaho ang tatlo sa tulay nang bumigay ang mga braces ng column at tumama sa kanila.

Ang nasawi ay kinilalang si JP Oftana samantalang ang dalawang kasama nito na nasugatan ay sina Ian Jarol, 25-anyos, at Rogelio Roxas, 28-anyos.

Dahil sa insidente, pansamantalang itinigil ang operasyon.

Habang patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad upang alamin kung ang mga biktima ay nakasuot ng safety gear. EVELYN GARCIA