ISABELA – BINUKSAN sa mga motorista o biyahero ang Siffu Bridge sa Roxas matapos makompleto ang ginawang pansamantalang bakal na dinugtong sa magkabilaan na winasak at nasira nang nakaraang bagyong Rosita sa Santiago-Tuguegarao Road.
Matapos mawasak ng bagyong Rosita noong Oktubre 30 ay agad sinimulan ang pagkukumpuni noong Nobyembre 08, 2018 na nakatakda sanang matatapos ito ngayon Disyembre 20, 2018 na halos anim na linggo sana subalit sa halos 24/7 nagtratrabaho ang mga manggagawa ay umabot lamang ng 16 na araw ngayon.
Dahil na rin sa katandaan ng nasabing tulay na naitayo noong 1974 ay nawasak ng nakaraang bagyong Rosita na kailangan magkaroon ng panibagong tulay.
Halos umaabot sa P7.5-M ang rehabilitation project na nagastos ng ahensya ng DPWH sa pagkukumpuni o temporary bridge para sa pansamantalang gagamitin na daanan palabas at papasok sa Region 2 na mga sasakyan o pampasaherong bus, jeep, van, motor at light trucks na puwedeng dumaan.
Ang nasabing temporary bridge ay pinapayagan lamang na dumaan na mga sasakyan na may karga o tumitimbang lamang sa 10 tons o sampung tonelada sa mga heavy vehicles.
Nakipag-ugnayan na rin ang pamunuan ng DPWH Region 2 at binuong District Engineering Office Monitoring Team kay PCI Engelbert Bunagan, hepe ng PNP Roxas para sa seguridad ng mga motorista o biyahero at mamintina sa naturang tulay. REY VELASCO
Comments are closed.