TULFO HANDANG MAGKAROON NG MENTOR SA SENADO

IGINIIT ni Senator-elect Rafael “Raffy” Tulfo na umaasa siyang matututunan ang mga trabaho sa Senado.

Dumalo si Tulfo sa Executive Mentoring on Legislative Governance: Setting the tone for the first 100 Days in the 19th Congress.

Ang 18th Congress ay magtatapos sa Hunyo 30 at ang susunod ay magsisimula sa Hulyo 25.

Ipinaalam ni Deputy Secretary for Legislation Edwin Bellen kay Tulfo, na pumangatlo sa pagka-senador noong halalan sa Mayo, ang mga pamamaraan sa plenaryo at mga proseso sa antas ng komite.

Nagkaroon din ng maikling tour si Tulfo sa loob ng gusali ng Senado. Aniya, tinipon na niya ang kanyang mga tauhan na karamihan ay mga eksperto sa batas.

“I keep talking to some people. I have to learn. If you want to be a good leader, you must be humble enough to accept that you cannot know everything. I always listen. I know how to use common sense,” ayon kay Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na hindi siya mahihirapang mag-adjust sa Senado dahil 20 taon itong nasa public service.

“Nakikinig ako sa samu’t saring problema at nabibigyan ko ng solusyon,” ani Tulfo.
LIZA SORIANO