HINIKAYAT ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo ang Kongreso na magsagawa ng malalimang pagbusisi sa financial transactions ng ating mga educational institutions partikular sa Cagayan province, matapos mabunyag na nagbabayad ng P1.2 milyon ang bawat Chinese student para lamang makapag-aral sa mga eskwelahan sa bansa.
Nagbigay ng reaksyon si Tulfo sa pagdinig nitong Miyerkoles ng Committee on Justice na pinamumunuan ni Negros Occidental 4th Dist. Rep. Juliet Marie Ferrer, ukol sa pagdagsa ng mga Chinese student sa Cagayan partikular sa Tuguegarao.
Ibinunyag ni Cagayan 3rd Dist. Rep. Joseph Lara, na siyang nag-sponsor ng congressional inquiry na inamin mismo sa kanya ng pamunuan ng St. Paul University sa Tuguegarao na ang kada Chinese student ay nagbabayad ng P1.2 million para makapag-aral sa kanilang eskwelahan.
“It was not denied by the representative of St Paul University, PJ Lappay, that the current fee paid by a Chinese student in St. Paul is one million two hundred thousand pesos (Php 1,200,000.00),” ani Cong. Lara.
Ikinagulat ito ni Tulfo kasabay ng matinding pagkabahala sa seguridad ng bansa.
“The recent revelation that a Chinese student was paying P1.2 million in school fees in the Philippines raises significant national security concerns. This incident underscores the need for rigorous scrutiny of financial transactions within our educational institutions, especially those involving foreign nationals,” ayon sa pahayag ni Cong. Tulfo.
“It prompts an urgent review of our policies to ensure that they do not inadvertently compromise the country’s security and sovereignty. The government must act swiftly
to implement measures that safeguard our national interests while maintaining the integrity and accessibility of our educational system,” dagdag ng mambabatas.
Mismong si Rep. Tulfo ay umamin na nasaksihan niya ang pagdagsa ng Chinese students sa kanyang huling pagbisita sa Tuguegarao ilang linggo na ang nakalipas.
“Nagulat ako kasi karamihan sa mga sinasabi nilang mga estudyante ay hindi naman mga mukhang estudyante.
Karamihan sa kanila mga itsurang matanda na. Ito ang nakakabahala, baka mamaya sinasakop na nila ang ating bansa,” tanong ni Tulfo.
Bukod sa St. Paul University, dumagsa rin umano ang mga Chinese students sa St. Louis University sa Tuguegarao.
Ibinunyag naman ni Rep. Tulfo na nakatanggap din siya ng ulat na maging sa Enrile at Sta. Ana, Cagayan ay dinadagsa na rin ng Chinese students.
Ani Lara, aabot sa 4,600 Chinese students ang naka- enroll sa mga paaralan sa Cagayan. JUNEX DORONIO