TULFO, LEGARDA, CAYETANO, WAGI SA PULSE ASIA SURVEY

Nangunguna sa pinakabagong Pulse Asia Senatorial Preference survey, na ginawa noong Marso 17-21, ang dating brodkaster na si Raffy Tulfo, dating senadora at Antique rep Loren Legarda, at dating senador at Taguig-Pateros District 1 rep Alan Peter Cayetano.

Si Tulfo ang nangunguna na may markang 65.6% na maaaring iboto siya habang siya at kilala ng 99% na mga natanong sa survey. Pumapangalawa si Legarda kilala ng 98% ng mga natanong ng survey at may 58.3% na maaaring bumoto sa kanya. Si Cayetano naman ay maaaring iboto ng 56.4% ng mga natanong sa survey at kilala ng 99% ng mga ito.

Ang mga iba pang pasok sa top 12 ay sina Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero, dating DPWH Secretary Mark Villar, Senador Win Gatchalian, Senador Miguel Zubiri, Senador Joel Villanueva, ang aktor na si Robin Padilla, dating Bise Presidente Jejomar Binay, Jinggoy Estrada, at JV Ejercito.

Nagbabakbakan naman ilalim ng top 12 sina Senadora Risa Hontiveros at dating Quezon City Mayor na si Herbert Bautista.