PORMAL nang nag- isyu ng certificate of proclamation ang Commission on Elections (Comelec) kay dating DSWD Secretary Erwin Tulfo bilang kinatawan o nominee ng ACT-CIS Party-list.
Sa pangunguna ni Comelec Commissioner Socorro Inting, si Tulfo ay pinroklama sa session hall ng ahensya sa Intramuros Maynila, Huwebes, Hulyo 20,2023.
Matatandaang hindi kaagad nakaupo sa puwesto si Tulfo matapos pumalit sa dating 3rd nominee na si Jeffrey Soriano dahil sa disqualification case na isinampa ng isang Moises Tolentino.
Ayon sa Comelec, ang disqualification case laban kay Tulfo ay naresolba na ng en banc at wala nang nakabinbin na temporary restraining order sa Korte Suprema para mapigilang makaupo ito sa puwesto si Tulfo.
Samantala, nagpasalamat naman si Tulfo sa Comelec sa pagresolba sa mga isinampang kaso sa kanya dahil sila na mismo ang sumagot sa mga isyu at kumukwestiyon sa legalidad ng kanyang kandidatura bilangnkinatawan ng partylist. PAUL ROLDAN