TULIGSAAN NINA BEAUTY GONZALES AT DIMPLES ROMANA TULOY; GOLD SQUAD PATOK

BEAUTY GONZALEZ-DIMPLES ROMANA

encounters with pmPATOK na nga ang Gold Squad ng mga bida sa “Kadenang Ginto” na napapanood sa hapon sa ABS-CBN.

Umiigting pa rin ang pang-aagaw ng karakter ni Andrea Brillantes sa a­tensyon na wala sa kanya kundi na kay Francine Diaz na si Kyle Echarri. Sa pagpasok ng karakter ni Seth Fedelin na mahuhulog kay Andrea, mabubuo ang kakaibang ikot ng pagmamahalan sa nagbubuhol nilang mga puso.

Tuloy pa rin ang tuligsaan sa pagitan nina Beauty Gonzales at Dimples Romana.

Pero ang kilig eh, nasa apat na bagets na nagsimula nang umikot hindi lang sa malls kundi sa iba’t ibang lugar para bigyang kasiyahan ang kanilang mga tagahanga.

Sa likod ng kamera, magkakaibigan ang apat.

Pero nang humarap sila sa press, hindi napigilan ni Seth na aminin na noon pa man bago pa siya pumasok sa “PBB” eh, tagahanga na siya ni Andrea at pinangarap na makasama niya ito sa trabaho.

Natupad na nga. So, what’s the next step?

Mahusay talaga magpakilig si Seth. Kaya, sa pagsasabi ni Deo Endrinal na aabot pa ng Disyembre ang naturang soap, naniniwala ang ma­rami na may mabubuong relasyon sa dalawa, hindi lang sa soap kundi sa tunay na buhay!

Vocal si Seth sa pagsasabing nagugustuhan niya si Andrea dahil gaya niya itong mahilig sa thrill.  Para kay Seth, sobrang prim and proper ni Francine. Masaya ang apat sa nabuo ng barkadahan sa kanila.

Subaybayan pa natin ang pagpapatuloy ng pag-ikot ng mga katauhan nila sa nangungunang soap sa hapon araw-araw.

NICK VERA PEREZ AND FRIENDS INAAYOS

NA ANG CONCERT SA MUSIC MUSEUM

MAHIGIT isang buwang mamamalagi sa bansa ang nurse sa Chicago, Illinois, USA na si Nick Vera Perez.

Dito sa Filipinas, ipinaparamdam ni NVP sa kanyang mga tagahanga ang pagiging mang-aawit  niya. Sa kaliwa’t kanan niyang shows lalo na sa mga lalawigan gaya ng Cebu, Davao at Iloilo,  kasama niya ang discovery niyang si Rozz Daniels na naninirahan sa Wisconsin kasama ang asawang si David at apat na anak.

Nagdiwang ng kanyang ika-50 kaarawan si Rozz sa surprise party na ipinagkaloob ni NVP sa Garden Café ng Luxent Hotel.

Walang kaalam-alam si Rozz na ang buo niyang pamilya at mga kaibigan mula sa Paco, Manila ang magpapaiyak sa kanya sa tanghaling ‘yun.

Sa palitan ng mga wishes for Rozz, mababanaag kung anong klase ng anak at Ate ito sa anim niyang kapatid.

Lubos ang tuwa nga­yon ni Rozz dahil napalaki na ang mga anak niya na siya niyang prayoridad sa pamilya nila.

“Kahit naman kaya na kaming buhayin ng asawa ko, nagsikap pa rin ako doon. Nag-kahera ako sa Walmart. Nag-aral at the same time. Ayoko rin ka­sing sa asawa ko i-asa ang tulong ko sa pamilya ko rito sa Filipinas. Kaya hindi ako umuuwi. Para ‘yung gagastusin ko sa pamasahe eh, ipadala na lang sa kanila.

“Ang tatay ko ang may pa­ngarap sa akin na ituloy ko ang pagiging singer ko. ‘Yun kumbaga ang habilin niya bago siya mawala. May pakiramdam siya na mangyayari sa akin ito. Kaya ang saya ko nang makita ako ni NVP at nga­yon tinutulungan na ituloy ko ang pangarap ko.”

Next year, isasagawa na ni NVP ang concert nila ni Rozz at iba pa niyang artists na tinutulungan. At plano niya na gawin ito sa Music Museum.

“Kaya bago ako bumalik ng Amerika, aayusin ko in advance ang schedules namin for next year,  ang mall shows and provincial shows. And by that time, hindi na magko-cover lang ng mga kanta ang ating rocker from Wisconsin. Sigurado, may mga kanta na siyang iparirinig sa inyo. Pati na rin ako,” sabi pa ni NVP.

Comments are closed.