TULONG MEDIKAL SA MAHIHIRAP PASOK SA PRIVATE HOSPITALS

PORMAL  na nilagdaan ang memorandum of agreement nina Department of Health Regional Director -Region 4-A (Ca­labarzon) Dr. Eduardo C. Janairo at  6th District Rep.  Vilma Santos Recto  para maayudahan ng me­dikal ang mahihirap na mamamayan sa lalawigan ng Batangas.

Makukuha ang serbisyo medikal sa pitong  pribadong hospital para sa mga mahihirap sa ilalim ng Medical Asistance for Indigent Program  (MAIP) ng DOH – (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon).

Kabilang sa mga ospital na tumugon sa panawagan ng DOH-Calabarzon ay ang NL Villa Memorial Medical Center, Mary Mediatrix Medical Center, Metro Lipa Medical Center, San Antonio Medical Center of Lipa, Inc., Divine Love General Hospital, Lipa Medix Medical Center and the Lipa City District Hospital, pawang nasa Lipa City, Batangas

Sa ilalim ng kasunduan, ang mga pribadong ospital ang manga­ngasiwa sa pagbibigay ng serbisyo medikal sa isang kuwalipikadong pasyente hindi lamang para sa mga mahihirap kundi maging sa mga may kaya na sa kabila ng may kakayahan silang magbayad ay na­ngangailangan din ng tulong  kung saan nakasaad ito  sa “Universal Health Care Program”.

Pangangasiwaan naman ng tanggapan ni Janairo ang bayarin sa mga pribadong ospital upang matiyak na tuloy-tuloy na matutugunan ang pagkakaloob ng serbisyong medikal.

Hiling naman ni  Congw. Santos- Recto, na sana ay mas mapabilis ang pagpapatupad nito.

“Biggest budget ko noon ay napupunta sa health,”  pahayag ng kongresista na nagsilbi ring gobernador sa lalawigan. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.