LUMAGDA sa isang kasunduan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa gobyerno ng India na nagbibigay sa mga kuwalipikadong local government units (LGUs) ng $50,000 bilang tulong para sa mga proyektong pang-imprastraktura at mga pasilidad sa pagpapaunlad.
Sa inilabas na pahayag ng DILG nitong Miyerkules, nilagdaan ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. at Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran ang nasabing memorandum of agreement nitong Pebrero 7.
Sinabi ni Abalos na sa ilalim ng kasunduan, ang India ay magbibigay ng $50,000 na tulong para sa mga kuwalipikadong LGU para matustusan ang mga proyektong pang-imprastraktura tulad ng mga kalsada, tulay, at mga sentro ng komunidad sa mga paaralan, kalusugan, at mga pasilidad sa pagpapaunlad.
“This is a massive reinforcement in our current efforts towards full devolution and to further improve public service in the communities,” ayon kay Abalos.
Samantala, sinabi ng Indian Ambassador na ang kasunduan ay isang milestone ng mabungang kooperasyon sa pagitan ng mga bansa.
“I would like to thank the Secretary for his vision, leadership, and decisive intervention to make sure that this agreement came to fruition very quickly,” pahayag naman ni Kumaran. EVELYN GARCIA