TOKYO, Japan- KINILALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kahalagahan ng tulong ng Japanese government sa Pilipinas lalo na sa Southern region ng bansa.
Sa kanyang talumpati sa miyembro ng Japanese parliament, pinasalamatan ni Pangulong Marcos ang Japan sa kanilang tulong sa Pilipino para sa peace process at development assistance.
“It has been a critical part of our peace process. It is a process that we have been undertaking for many, many years and I think and finally see the light at the end of the tunnel, the participation of the Japanese support in that peace process has been invaluable,” ayon sa Presidente.
Tinukoy ni Pangulong Marcos ang Japan-Bangsamoro Initiatives for Reconstruction and Development (J-BIRD) program, na susuporta sa governance, decommissioning at socio-economic development.
Ayon sa Punong Ehektitibo, ang pamahalaan ng Japan ay matagal nang tumutulong sa Pilipinas sa mga peace process sa pamamagitan ng mga mekanismo na International Monitoring Team (IMT), the International Contact Group (ICG) at Independent Commission on Policing (ICP).
Sa government figures, mula. 2002 hanggang 2019, ang Official Development Assistance (ODA) para sa Mindanao’s peace and development ay pumalo na sa 51 billion Japanese yen.
Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang Japanese government para sa ibinibigay na mabuting buhay sa Filipino na nakabase sa Japan at tinawag itong working “ a very good life.”
“Our countrymen are unanimous in their expressions of their own gratitude for how they have been accepted into the workforce — of the Japanese workforce — and into the society, of the fabric of Japanese society,” ayon sa Pangulo.
Mayroong 300,000 Filipino na nakabase sa Japan.
Inimbitahan din ng Pangulo ang mga miyembro ng Japanese Parliament na bumisita sa Pilipinas para makita ang resulta ng mga assistance na natatanggap sa Japan at magandang pakinabang sa Pilipino.
“Look at the effects of this support that you have been giving us, not only in Southern Philippines but all the many — especially infrastructure projects that Japan has supported over the years,” dagdag pa ng Pangulong Marcos.
Kabilang sa mga dumalo sa meeting ng Japan-Philippines Parliamentary Friendship League (JPPFL) sina dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo; Senate President Juan Miguel Zubiri; House Speaker Ferdinand Martin Romualdez; Special Assistant to the President, Secretary Antonio Ernesto Lagdameo Jr.; at Senador Mark Villar para sa Philippine delegation.
Ang mga JPPFL participant naman ay pawang mga miyembro ng Japanese House of Representatives na pinangunahan ni Chairman Moriyama Hiroshi, Vice Chairmen Okuno Shinsuke, Takemi Keizo at Nakagawa Masaharu.
Si Pangulong Marcos at kanyang official delegation kabilang ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno at business leaders ay nandito ngayon para sa limang araw na working visit. EVELYN QUIROZ