TULONG NG KONGRESO, HILING NG PRINT MEDIA GROUP

HINIHILING ng isang print media group sa pamahalaan ang suporta sa kanilang industriya sa oras ng pangangailangan.

Nais ng United Print Media Group (UPMG), isang asosasyon na binubuo ng 32 pangunahing pahayagan sa bansa, ang tulong mula sa Kamara de Representantes at Senado sa pamamagitan ng pagsasabatas ng kanilang mga hinaing.

Ayon kay UPMG president Barbie Atienza, sa kasagsagan ng pagdinig ng House Committee on Creative Industry and Performing Arts noong Huwebes, Oktubre 21, na nasa “critical situation” umano ang print media industry at labis na nangangailangan ng tulong mula pamahalaan.

“This is a very important and vital industry that definitely needs a lot of help. We need to solicit help by form of legislation,” saad ni Atienza, na ang mga kinakaharap umano ng print media katulad din ng pagharap sa kalamiadad, pandemya, pananakot, kasama na rito ang “emergence” ng digital industry, patuloy na pagtaas ng raw materials, buwis, at marami pang iba.

Hiniling din ni Atienza sa Kongreso ang pagpapasa ng batas upang mabigyan ng VAT exemption sa pagbili ng papel at tinta na patuloy sa pagtaas ng presyo kaya umano humihina ang bumibili ng papel.

Ayon pa kay Atienza, dahil sa pagbaba ng pag-imprenta ng pahayagan, nababawasan umano ng access at awareness sa mga kasalukuyang pangyayari, patuloy ang pagdami ng fake news, nababawasan ng mga propesyonal at responsableng pamamahayag, at nawawala ang interes sa pagbabasa at pagsusulat.

Hiling din ng presidente ng UPMG ang VAT exemption sa mga advertiser, pagbaba ng buwis, at tax assistance package para sa print media industry, ayon pa kay Atienza, ay nasa lugmok nang sitwasyon kahit pa noong wala pa ang pandemya at labis na nangangailangan ng tulong nitong mga nakalipas na taon.

Iminungkahi naman ni Atienza ang pagkakaroon ng news and current affairs subject sa primary, secondary, at tertiary education sa pamamagitan ng suporta ng Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED).

Sinabi naman ni House Committee on Creative Industry and Performing Arts chairman at Pangasinan Representative Christopher De Venecia na uumpisahan na nila ang pagbuo nito at pagpasa ng batas para matulungan ang print media industry na manatili at makarekober mula sa pandemya.

4 thoughts on “TULONG NG KONGRESO, HILING NG PRINT MEDIA GROUP”

  1. 881566 544567I discovered your weblog site on google and check a few of your early posts. Continue to maintain up the extremely very good operate. I just additional up your RSS feed to my MSN News Reader. Seeking forward to reading a lot more from you later on! 925982

Comments are closed.