TULONG NG PRIBADONG SEKTOR SA LGUs MAHALAGA VS COVID-19

IPINAHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na mahalaga ang pakikipagtulungan ng pribadong sektor sa mga local government units (LGUs) sa laban ng bansa kontra sa COVID-19.

Sa isang zoom meeting nitong Miyerkules sa business sector at iba pang miyembro ng gabinete, hinikayat ni Año ang private sector na ibahagi ang kanilang mga ideya at mungkahi kung paano ipatutupad ang lockdown upang mabawasan ang ina­asahang magiging epekto nito sa mga mamamayan at ekonomiya.

Ayon sa kalihim, hindi dapat na magdalawang-isip ang business at private groups sa pag-aalok ng kanilang insights at mga suhestiyon sa pamahalaan.

Binigyang-diin pa niya na ang laban sa COVID-19 ay isang shared responsibility sa pagitan ng pamahalaan at ng mga mamamayan.

Aminado naman si Año na ang kasalukuyang sitwasyon ng pandemya ay nakakatakot ngunit nanawagan ito sa mga mamamayan na huwag magpa-intimidate o magpatalo sa mga naturang pagsubok.

Inihayag pa ng kalihim na dapat itong magsilbing daan upang magkaisa ang lahat at sama-samang umaksyon. EVELYN GARCIA

5 thoughts on “TULONG NG PRIBADONG SEKTOR SA LGUs MAHALAGA VS COVID-19”

  1. 279098 840929Hi there! I just wish to give an enormous thumbs up for the good information youve appropriate here on this post. I shall be coming once more to your weblog for extra soon. 360259

  2. 231867 27101His or her shape of unrealistic tats were initially threatening. Lindsay utilized gun very first basic, whereas this girl snuck outside by printer ink dog pen. I used totally sure the all truly on the shade, with the tattoo can be taken from the body shape. make an own temporary tattoo 595080

Comments are closed.