TULONG NG SSS KINILALA NI PBBM

PINASALAMATAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Social Security System (SSS) sa naging tulong nito sa mga miyembro sa unang bahagi ng COVID-19 pandemic kung saan halos lahat ng negosyo ay nagsara noong ikalawang bahagi ng 2020.

Ang pasasalamat ni Pangulong Marcos ay sentro ng kanyang talumpati nang maging panauhing pandalangal sa ika-65 anibersaryo ng SSS.

Nanguna naman sa selebrasyon si SSS President, Chief Executive Officer Michael Regino, kasama si SSS Commissioner Diana Pardo-Aguilar at iba pang opisyal at mga tauhan ng nasabing state insurer.

Nakibahagi rin si Labor Secretary Bienvenido Laguesma, at Special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo Jr. at iba pang mga opisyal at staff ng SSS.

“Well, it is an important day that we are commemorating and I’m pleased to be with you all to celebrate the 65th Founding Anniversary of the Social Security System,” ayon kay Pangulong Marcos.

Sa talumpati ng Pangulo, kahanga-hanga ang programa ng SSS na sa mahigit anim na dekada ay sandigan ng mga manggagawang Pinoy at private sector.

Sinabi niya na napalakas ng SSS ang kapakanan ng mga manggagawa at naproteksyonan ang pangangailangan lalo na sa mga mahihirap na pagkakataon.

“The SSS has done this by empowering our employees with equitable and world-class protection, ensuring that they will have a safety net during life’s most difficult moments,” sabi pa ng Pangulo.

Hindi naman kinaligtaan ng Punong Ehekutibo ang mga kahanga-hangang performance ng mga official at tauhan ng SSS, lalo na ang pinarangalan ng Balikat ng Bayan Awards.

“I, of course, commend the SSS for its hardworking officials that have been working — many of you are — most of you are career officers and have been there from the very beginning of your professional careers and the experience and the professionalism that you show is testament to that. You are hardworking, your personnel have dedication in ensuring the institution stability and reliability and most importantly the service that you provide to our people,” papuri pa ng Punong Ehekutibo sa mga tauhan at opisyal ng SSS lalo na sa mga tumanggap ng award.

Samantala, tiniyak naman ng SSS patuloy ang pagpapaigting ng kanilang programa para sa serbisyo publiko.

Kasama sa mga programa ang pag-aalok na iba’t ibang condonation programs na tutulong sa mga miyembro at employers. EVELYN QUIROZ