NAGPASAKLOLO na sa United Nations ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa malawakang pagpapatupad ng libreng wi-fi sa Filipinas.
Ayon kay DICT Acting Secretary Eliseo Rio Jr., nakipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa UN Development Programme (UNDP) matapos na ihayag ng ilang local telecommunication companies na mahihirapan silang tugunan ang demand ng libreng internet access points na nakapaloob sa Free Wi-fi Law.
Dahil dito ay hinimok din ng DICT ang UNDP na tulungan ang kagawaran na makapagpakilala ng bagong teknolohiya para sa internet sa tulong ng dayuhang telecom companies.
“It is now clear that our local telcos can’t presently cope up with our demand for Free Wi-Fi APs. It is for this reason that we are pursuing another approach to implement the Free Wi-fi Law using the DICT 2018 budget for this. We are seeking the help of the UNDP to bring in foreign Companies and Technology to set up a National Free Wi-Fi Network, to train our people and telcos on roll-outs done in other countries with very successful Free Wi-Fi programs,” batay sa social media post ni Rio.
Sa tala ng DICT, nasa 2.7 milyong Pinoy pa lang ang nakagagamit sa Pipol Konek, o libreng wi-fi ng gobyerno dahil sa access points nito sa siyam na public school at ospital sa Lipa City, Batangas.
Habang dalawang state university pa lang ang may parehong access mula sa higit 100 state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa.
Target ng DICT sa 2022 na makapagpatayo ng mahigit 200,000 wi-fi access points sa buong bansa.
Comments are closed.