TULONG NI PBBM SA MGA MAGSASAKA AT MANGINGISDA

SA gitna ng patuloy na hamon dulot ng phenomenon ng El Niño, ipinakita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang proactive na liderato sa pamamagitan ng personal na pamamahagi ng mahahalagang tulong mula sa pamahalaan sa nga magsasaka, mangingisda, at pamilya sa Northern Mindanao.

Ang ceremonial distribution na ito, na ginanap sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) sa Iligan City, ay patunay ng dedikasyon ng pamahalaan sa pagtulong sa mga komunidad na naapektuhan ng mga kalamidad sa klima.

Kabilang sa tulong na ito ang pinansiyal na ayuda na nagkakahalaga ng PhP10,000 para sa napiling mga benepisyaryo mula sa Iligan City, Lanao del Norte, at Misamis Occidental.

Dagdag pa, ang mga lokal na pamahalaan ng Iligan City, Lanao del Norte, at Misamis Occidental ay makatatanggap ng P10.5 milyon, P13.9 milyon, at P24.3 milyon.

Pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang distribusyon ng PhP10,000 bawat isa sa 9,588 napiling benepisyaryo, kabilang ang mga magsasaka, mangingisda, at pamilya.

Bilang dagdag na tulong, nagbigay din ang tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ng limang kilong bigas sa bawat dumalo, na nagpagaan pa lalo sa pasanin ng mga naapektuhang komunidad.

Ito ay ang ikaapat na pagkakataon na pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr. ang ganitong uri ng tulong sa mga lugar na labis na naapektuhan ng El Niño, na nagdulot ng pinsalang agrikultural at kakulangan sa suplay ng tubig.

Bagaman iniulat ng Department of Science and Technology (DOST) – Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang paghina ng El Niño, maaari ng magpatuloy pa rin ang mga epekto nito tulad ng pagtaas ng temperatura at tuyong panahon habang naglilipat ang bansa patungo sa mga kondisyon ng ENSO-neutral at inaasahang La Niña, isang pangyayari na kasalukuyang binabantayan.

Sa gitna ng mga pangyayaring ito, ang aktibong partisipasyon ni Pangulong Marcos sa pagbibigay ng agarang tulong ay nagpapakita ng matatag na paninindigan ng pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mga sektor na mahina at sa pagpapalakas ng kakayahan sa harap ng mga hamon ng kalikasan.