TULONG NINA PBBM AT PHILRECA PARTY-LIST REP. DE JESUS PARA SA MGA NANGANGAILANGAN

ANG mabilis na aksiyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkasira ng navigational gate sa Navotas City ay isang malinaw na halimbawa ng agarang tugon ng pamahalaan sa oras ng pangangailangan.

Sa kabila ng masamang panahon, personal na ininspeksiyon ng Pangulo ang lugar at kaagad na ina­tasan si Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na simulan ang agarang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng nasirang gate.

Hindi maikakaila na ang nasabing insidente ay nagdulot ng matinding pagbaha sa mga lugar ng Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela (CAMANAVA).

Sa isang situation briefing sa Malacañang, ipinakita ng Pangulo ang kanyang determinasyon na mahanapan ng mabilisang solusyon ang problema.

Ang kanyang mga salitang, “Ano’ng re­medyo d’yan? Paano ba natin puwedeng harangin man lang or is there something we can do?” ay nagpapakita ng kanyang kagustuhang protektahan ang mga mamamayan mula sa mas matinding pinsala.

Ang pagsama ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagsasaayos ay isa pang patunay ng epektibong koordinasyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Kaya sa tulong ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) at mga lokal na opisyal ng CAMANAVA, inaa­sahang matatapos ang pagkukumpuni sa loob ng isang buwan.

Samantala, sa kabila ng kalamidad, pa­tuloy rin ang pamamahagi ng ayuda mula sa PhilRECA Partylist katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang kanilang inis­yatiba, sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), at sa pangu­nguna ni Deputy Minority Leader Presley De Jesus ay nagbibigay ng kinakailangang suporta sa mga apektadong mamamayan sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Sinasabing ang mabilis na pagtugon ng ating pamahalaan at ang patuloy na pagkilos para sa kapakanan ng mamamayan ay nagbibigay ng pag-asa at kumpiyansa na kahit sa gitna ng kala­midad, tayo ay magtatagumpay.

Ang ganitong mga hakbang ay nagpapatunay na ang pamahalaan, sa ilalim ng liderato ni Pangulong Marcos, ay laging handa at maaasahan sa oras ng panganga­ilangan.

Sabi nga, “ang tagumpay ng ba­yan ay tagumpay ng mamamayan!”