ANG National Capital Region (NCR) ay nananatiling sentro ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang biglaang pagtaas ng mga nadadagdag na bilang ng positibong kaso kada araw ay naging sapat na dahilan upang magdesisyon ang pamahalaan na muling isailalim ang nasabing rehiyon, kasama na rin ang mga probinsyang malapit dito, sa enhanced community quarantine (ECQ). Habang ang sentro ng krisis ay natagpuan sa Metro Manila, ito ay hindi nangangahulugan na ang mga mamamayan mula sa ibang rehiyon ay walang kailangang gawin ukol dito.
Upang matugunan ang krisis na nangyayari sa NCR Plus, naglabas ng memo si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa mga opisina ng nasabing sangay sa ibang rehiyon kaugnay ng panawagan ni Senator Bong Go na dagdagan ang mga healthcare worker na nakatalaga sa NCR Plus. Magandang balita naman na maraming mga healthcare worker ang tumugon sa panawagan ni Senator Go, at nagpahayag ng kagustuhan na magbigay serbisyo sa NCR.
Nakalulugod sa kalooban na marinig ang balita na 66 na medical frontliners mula sa Central Visayas at Eastern Visayas ang dumating sa Metro Manila noong Miyerkoles, ika-7 ng Abril, upang tumulong sa pagtugon sa pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa NCR Plus.
Tunay na maituturing na bayani ng modernong panahon ang mga frontliner, hindi lang dahil sa kanilang pagiging medikal na propesyon kundi dahil sa kanilang determinasyon na isugal ang kanilang kaligtasan at kalusugan sa pagdayo sa NCR Plus upang makatulong sa pagtugon sa krisis pangkalusugan na kinakaharap ng nasabing rehiyon.
Pansamantalang mawawalay sa kanilang mga mahal sa buhay ang mga frontliner na ito upang gampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin na magbigay serbisyo sa publiko, lalo na ngayong panahon ng pandemya. Nakatanggap naman ng papuri ang mga frontliner na tumugon sa panawagan ng DOH mula kay Secretary Michael Lloyd Dino ng Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV).
Sa kasalukuyan, 11 na doktor, 35 na nars, at 4 na medical technologist mula sa Vicente Sotto Memorial Medical Center ang ipinadala ng DOH Central Visayas sa NCR. Sa kabilang banda, ang DOH sa Eastern Visayas naman ay nagpadala ng isang doktor at 15 na nars. Nawa’y umpisa pa lamang ito ng tulong na paparating para sa mga healthcare worker sa NCR Plus.
Mahalagang masiguro na pangangalagaan at susuportahan ng pamahalaan ang mga ipinadalang healthcare worker mula sa ibang rehiyon habang sila ay namamalagi sa NCR Plus upang masiguro na magagampanan nilang mabuti ang kanilang papel sa laban kontra COVID-19.
Mahalaga ring masiguro na sila ay ipadadala kung saan sila mas kinakailangan, at kung saan sila mas makatutulong. Ayon sa mga ulat, ang mga nars na ipinadala ng ibang rehiyon ay itatalaga sa National Kidney and Transplant Institute, Lung Center of the Philippines, San Lazaro Hospital, Tondo Medical Center, at Rizal Medical Center.
Pinasalamatan naman ni Dino ang mga healthcare worker na nagdesisyong dumayo sa rehiyon na natukoy bilang sentro ng laban kontra COVID-19 sa bansa. Ngayon, higit kailan man kailangan ang mga frontliner na kagaya nila. Ang mga volunteer ay nakatakdang mamalagi at magbigay serbisyo sa NCR sa loob ng tatlong buwan.
Binigyang-diin ni Dino na bukod sa pinansiyal na benepisyo na matatanggap ng mga magigiting na frontliner mula sa ibang rehiyon, ang karangalan at kaligayahan na kanilang matatamasa bilang bagong bayani ng ating bansa ay magandang kuwento na kanilang babaunin at maaaring ipasa sa mga susunod na henerasyon.
Subalit, sa kabila ng karagdagang puwersa na darating sa NCR Plus, ang pangunahing susi upang mapagtagumpayan natin ang pandemyang COVID-19 ay ang pagpapabakuna. Mahalagang masiguro na makakakuha ng sapat na bilang ng dosis para sa populasyon ng Filipinas, at ang masiguro na maayos at epektibo ang sistema ukol sa pamamahagi nito.
Noong Miyerkoles, binigyan na ng pahintulot ng DOH at Food and Drug Administration (FDA) ang pamamahagi ng dosis mula sa Sinovac sa ilang mga senior citizen matapos ang naunang pahayag na limitado ang pamamahagi ng nasabing bakuna sa mga indibidwal na may edad 18 hanggang 59 lamang. Ang desisyong ito ay ginawa matapos makatanggap ng rekomendasyon mula sa mga eksperto sa bakuna mula sa Department of Science and Technology (DOST).
Sa kabila ng rekomendasyon ay dadaan pa rin sa masusing pagsusuri bago ibigay ang bakuna. Ako ay lubos na sumasang-ayon sa ginagawang pag-iingat na ito. Sa kabutihang palad, maaari na ring makatanggap ng bakuna ang mga senior citizen basta ang mga ito ay nakapasa sa masusing pagsusuri ng kalusugan nito.
Bagaman pansamantalang naaantala ang pamamahagi ng bakuna sa Metro Manila bilang resulta ng mabagal na pagpasok ng mga dosis sa bansa, mayroon naman itong progreso sa kabila ng biglaang pagtaas ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ngayong linggo, umabot sa kabuuang bilang na 922,898 ang dosis ng Sinovac at AstraZeneca na naipamahagi na sa mga healthcare worker, senior citizen, at mga indibidwal na mayroong mga comorbidity.
Patuloy pa rin sa negosasyon ang pamahalaan upang masiguro ang sapat na bilang ng dosis para sa 70 milyong populasyon ng bansa. Pasasaan ba’t makararating din tayo sa dulo ng laban kontra COVID-19.
Sa ngayon, magpasalamat muna tayo sa tulong mula sa ibang rehiyon ng bansa. Isinabubuhay ng mga magigiting na frontliner ang kasabihan mula sa Acts 2-:35 na nagsasabing, “There is more happiness in giving than in receiving.”
829912 572416Your weblog is showing much more interest and enthusiasm. Thank you so considerably. 396187
578790 60089Yeah bookmaking this wasnt a risky decision outstanding post! . 480835
600420 402915Admiring the time and effort you put into your internet site and in depth details you offer. Its good to come across a weblog every once in a while that isnt exactly the same out of date rehashed material. Fantastic read! Ive saved your internet site and Im including your RSS feeds to my Google account. 465667