TULONG PINANSIYAL SA NAAPEKTUHAN NG BULACAN AIRPORT PROJECT

SMC

PINAGKALOOBAN ng San Miguel Corp ng tulong pinansiyal ang mga residenteng apektado ng itatayong New Manila International Airport sa Bulacan bilang kompensasyon.

Ayon kay SMC project manager Atty. Michaela Rosales sa launching ceremony Skills Training Program ng TESDA na ibabahagi nila ang appraise value para sa mga residenteng apektado sa naturang mga Sitio.

Tinatayang nasa 360 na ang binigyan ng pampalipat ng bahay samantalang ang ibang residente naman ay pinili ang alok na pera.

Idinagdag pa, ang mga hindi konkreto bahay ay nakatanggap ng P250,000 at ina-appraise naman ang ilang mga konkretong bahay habang dinoble at binigyan pa sila ng P100,000 bilang financial assistance.

Kasama rin ang mga bangkang isinurender ng mga residente na ayaw ng mangisda na binigyan din ng kabayaran.

Sa Brgy. Binuangan, Obando nasa 60 residente rito ang paunang binigyan ng pagkakataon na makapag-training sa limang kurso tulad ng welding,electrical,pagluluto,pananahi bukod pa ang heavy equipment operator.

Gayundin, posibleng  mawasak ang anim na kapilya sa ibat- ibang sitio sa bayan ng Bulakan sa sandaling simulan na ang nasabing proyekto.

Ayon kay Fr. Ramon Garcia, nakalubog na hanggang binti sa tubig-dagat ang chapel ng Sitio Pariahan na kabilang sa anim na kapilya ang tatamaan ng naturang proyekto.

Aniya, nakatayo ang chapels sa Sitio Dapdap, Capol, Calamansi, Pariahan, Bunutan at Kinse na sakop ng Brgy.Taliptip.

Nabatid na ilang kapilya sa lugar ang hindi na nagagamit o namimisahan habang ang iba naman ay katulad ng Pariahan at ang private chapel sa Kinse-Torres ang madalas na pagdausan ng misa.

Kinumpirma rin ni Garcia, wala na umanong mga kabahayan at wala ng tao sa lugar dahil tinanggap na ng mga residente ang alok ng SMC. THONY ARCENAL

Comments are closed.