Pinaalalahanan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno na ipagpatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine.
Ayon sa Pangulo, dapat ikonsidera ang hirap na nararanasan ng mga biktima ng kalamidad at huwag isipin na sumuko.
Binigyang diin ng Pangulo sa mga opisyal ng gobyerno na huwag sumuko sa pagtulong.
Isipin na lamang ng mga opisyal ang mga kababayan natin na lubog sa tubig baha ang mga kanilang lugar, walang suplay ng tubig, walang pagkain at walang lugar na mapuntahan.
Aniya, bilang mga opisyal ng pamahalaan hindi dapat ipakita na pagod na sa pagtulong sa ating mga kababayan.
Ipinag-utos naman ng Pangulo sa Cabinet members mula sa mga concerned government agencies na palagiang i-update siya sa epekto ng bagyo.