HINDI tumitigil sa pagbibigay ng tulong ang Filipino community sa mga kapwa Pinoy na naapektuhan ng malakas na lindol sa Turkey.
Dahil dito, nagpaabot ng pasasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ating mga kababayan doon na nagdo-donate ng mga pagkain at iba pang goods para sa mga apektadong pamilya sa Ankara.
Sa Laging Handa public briefing, inihayag ni DFA Undersecretary Eduardo Jose De Vega na nabibigyan din kahit ang mga nangangailangan ng financial assistance.
Nabanggit ng opisyal na natalakay na rin ang posibleng pagpapatupad ng repatriation dahil marami aniyang mga Pinoy sa Turkey ang gusto nang makauwi ng bansa.
Tinutugunan din, aniya, ng ahensiya ang problema sa citizenship ng ilang mga kababayan natin dahil marami na ring nakapag-asawa ng Turko sa naturang bansa.
Nabatid na sa 248 apektadong Pinoy, nadala na sa embahada ang 64 sa mga ito.
DWIZ 882