HINIMOK ni neophyte Magsasaka partylist Rep. Argel Cabatbat ang pamahalaan, pangunahin na ang Department of Agricul ture (DA), na direktang tulong pinansiyal, sa halip na pautang, ang ipagkaloob sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal.
Kasabay nito, inatasan ni Speaker Alan Peter Cayetano si Leyte 4th District Rep. Lucy Torres, chairperson ng House Committee on Disaster Management, na makipag-ugnayan sa iba pang kaukulang House committees sa pagbuo ng comprehensive rehabilitation plan para makatulong sa mga lungsod at bayan na labis na naapektuhan ng pag-aalboroto ng nasabing bulkan.
“We know that the local government units and other government agencies are already handling the rescue and relief operations, so Congress can focus more on planning for the rehabilitation efforts,” sabi ng lider ng Kamara.
Ayon sa Magsasaka party-list congressman, walang magiging pangmatagalan at matagumpay na rehabilitation plan kung hindi ito paglalaanan ng sapat na pondo, dahil ang layunin nito ay ang maibalik sa normal ang pamumuhay, paghahanapbuhay at pagiging produktibo ng mga biktima ng kalamidad.
Base sa ulat ng DA, tatlong araw makaraan ang pagsabog ng Bulkang Taal, umabot na sa P577.6 million ang idinulot nitong pinsala sa mga pananim at alagang hayop, kung kaya magbubukas ang ahensiya ng ‘credit program’ para sa mga magsasakang pinadapa ng sakuna.
“Our farmers and fisherfolk desperately need the help of our government, especially the DA’s. Each day that they cannot work is a day where they cannot provide for their family, and a day where our food supply can be gravely affected. Our countrymen need money for binhi and fish seedlings. They cannot afford to get stuck in a cycle of loans and debts, whether with the private sector or its own government. The growing list of damaged members of the agricultural sector needs financial assistance to restart their lives with security and dignity,” pagbibigay-diin at tugon naman ni Cabatbat sa pahayag ng DA.
Giit ng mambabatas, maaaring gamitin ng naturang ahensiya ang bahagi ng P20 bilyong calamity fund nito, kung saan nakapaloob ang P1 bilyon na ‘quick response’ fund sa pagbibigay ng tunay na ayuda, na hindi pautang lamang, sa mga magsasaka at mangingisda na nasira ang kabuhayan dala ng mapaminsalang aktibidad ng Bulkang Taal. ROMER R. BUTUYAN