TULONG TAYO!

PUSONG PANALO

(Pagpapatuloy…)

IPAGPAPATULOY ko po ngayon ang panawagan para sa mga tulong at donasyon para sa mga nasalanta ng bagyong Rolly sa Catanduanes, Kabikulan, at iba pang mga lugar sa bansa.

Ang Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership ay nangangalap ng donasyon upang maka-pagpadala ng mga pagkain at pangunahing pangangailangan sa mga taong apektado ng bagyo. Maaaring mag-deposit sa BPI (KN Movement for Good Governance and Ethical Leadership, Inc.) sa account number 3081117372, o di kaya ay sa PayPal account ng organisasyon sa paypal.me/kayanatinmovement. Pwede rin namang magpadala ng ayuda sa pamamagitan ng GCash. Bumisita lamang sa kanilang Facebook page para sa QR code. At para sa karagdagang impormasyon, maaaring kumontak sa 09178226628 o mag-email sa kayanatinmovement@gmail.com

Tumatanggap naman ng donations in kind ang Citizens’ Disaster Response Center. Maaaring magdala ng mga kagamitan para sa shelter kit (pako, sealant, martilyo, lagari, atbp.), pagkain at tubig, gamot, hygiene kit, atbp. Maaaring dalhin ang mga donasyon sa 72-A Times St, West Triangle Homes, Quezon City. Puwede ring magpadala ng cash sa pamamagitan ng pagdedeposito sa Metrobank Examiner Branch (Citizens’ Disaster Response Center) Peso Account 636-3-63600741-3. Ang Swift Code ay MBTCPHMM. May Dollar Account din sila sa nasabing bangko: 636-3-63600158-3, o di kaya ay sa PayPal: info@cdrc-phil.com

Ang Ambagan Philippines ay isang non-profit, non-stock na organisasyon ay tumatanggap naman ng tulong para sa mga nasalanta sa Marinduque. Mahigit sa 2,800 pamilya ang nasa mga evacuation center at kailangan nila ng pagkain, damit, hygiene kits, at sleeping mats. Maaaring magpadala ng tulong sa pamamagitan ng pagdedeposito sa Landbank (Angelica N. Reyes) Account Number 1467 0844 68, o sa PayPal: paypal.me/ambaganph. Pwede ring gamitin ang GCash: 0956-668-7586 o 0915-213-7496.

Sana ay makapagpabahagi tayo ng anumang halaga sapagkat nasa pagtutulungan ang susi upang madaling makabangon ang ating mga kababayang lubhang apektado ng bagyo.

Comments are closed.