LAGUNA -HUSTISYA ang sigaw ng libu-libong mamamayan ng bayan ng Rizal sa idinaos na paghahatid sa huling hantungan sa mga labi ng pinaslang na Pilotong si Capt. Jeffrey Palce kamakalawa.
Marami ang nakiramay at dumalo sa libing ng biktimang si Palce.
Mula sa kanilang tirahan kung saan doon ito pinaglamayan ng ilang araw, binuhat ng kanyang dating mga kaalyado ang kabaong patungo sa simbahan na tinatayang nasa mahigit na isang kilometro ang layo.
Karamihan sa mga dumalo sa paglilibing ay nakasuot ng kulay green at puting T-shirt na may nakasulat na “Hustisya para sa dangal ng bayan ng Rizal – Mayor Jeffrey Arban Palce”.
Kaugnay nito, ayaw pang magbigay ng kanyang pahayag ang kabiyak ni Palce na si Catherine kung saan nagbigay ng madamdaming pahayag ang kanyang biyenan na si Iluminado Palce.
Nanawagan ito at humihingi ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte para mabigyan ng hustisya ang ginawang pagpatay sa kanyang anak.
Aniya, puwede naman kausapin ang kanyang anak kung ano man ang problema, ang masakit bakit nila ito pinatay?
“Pinagsumikapan kong pinag-aral para maging Piloto ang aking anak, bago ko napagtapos yan, sobrang hirap ang inabot ko”!
Masakit ang mawalan ng isang anak, hindi ko matanggap, kahit naman sino, pero anong magagawa ko wala tayong alam, dalangin ko nalang ang mabigyan ng hustisya.
Para kaming bulag, walang media, ang tagal ng aking manugang sa ospital pero walang pulis na nagpunta, wala rin daw CCTV sa lugar na yun, ang San Pablo pa ang mawawalan ng CCTV? Ang pahayag ni Iluminado Palce.
Samantala, mismong sa idinaos na misa, mariing isinisigaw ng nakatalagang Parish Priest na “Tuloy ang Laban”.
Makaraan ang misa, habang papalabas ng simbahan, pinangunahan ng pamilya ni Palce ang pagpapalipad ng eroplanong papel kabilang ang malalapit nitong kaibigan at kaanak.
Nagbigay naman ng pahayag ang mga kaalyado ng biktima ng maganap ang insidente kabilang ang sitwasyon ngayon ng bayan ng Rizal kung saan hindi aniya nila inaasahan ang naganap na insidente matapos dumalo ang mga ito sa isinagawang pagdinig sa lungsod ng San Pablo.
“Nagluluksa ngayon ang bayan ng Rizal, umiiyak at humihingi ng katarungan”.
“Tuloy ang laban, Makamit ang hustisya ni Capt. Jeffrey Palce”, ani ng mga kaalyado ng biktima.
Ayon naman kay Laguna PNP Public Information Officer (PIO) PLt. Col. Chitadel Gaoiran, nagbuo na ang pamunuan ng Laguna PNP ng Special Investigation Task Group Palce (SITG) para sa agarang ikalulutas ng kaso.
Ilang motibo aniya ang kanilang tinitingnan, isa dito ang politika, Trabaho, Negosyo at kaso habang patuloy pang nangangalap ng matibay na impormasyon ang mga ito maging ang cctv footages sa pinangyarihan ng insidente. DICK GARAY
Heya i’m for the primary time here. I came across this board
and I to find It truly useful & it helped me
out much. I am hoping to present one thing back and aid others such as
you aided me.
334260 750552I likewise conceive thus, perfectly written post! . 23434
892255 330563Hmm, I never thought about it that way. I do see your point but I think numerous will disagree 127220
546986 29778Id ought to verify with you here. Which isnt something I often do! I enjoy studying a publish that can make men and women feel. Also, thanks for permitting me to remark! 658548