(Tuloy ang pamamahagi) P5K CASH AID SA FARMERS

Agriculture Secretary William Dar-7

PATULOY na mamamahagi ang Department of Agriculture (DA) ng tulong pinansiyal sa mga magsasaka ngayong tapos na ang eleksiyon.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na makatatanggap ang bawat magsasaka ng P5,000 cash aid sa ilalim ng rice farmers financial assistance program ng DA.

Partikular na makatatanggap ng ayuda ang mga rice farmer na may sinasakang dalawang ektaryang lupa pababa.

Una nang sinabi ni Agriculture Undersecretary for Operations Ariel Cayanan na magdo-double time ang ahensiya na ipatupad ang iba’t ibang programa tulad ng fuel subsidy at cash assistance na pansamantalang nati­gil. DWIZ 882