Tuloy ang Santacruzan (Kahit umuulan)

Third Saturday nn Mayo ang kadalasang araw nha itinatalaga ng mga barangay upang magsagawa ng Santacruzan. Pero sa totoo lang, basta sumapit ang buwan ng Mayo, pwede nang magsagawa ng Santacruzan.

Hindi ito ang huling major festival bago magtag-ulan, at sa totoo lang, minsan nga, inaabot na ng ulan ang prusisyon. Ang huling major festival sa Mayo ay ang Flores de Mayo na isinasagawa naman sa May 31. Kadalasan, pinagsasabay na ang Santacruzan at Flores de Mayo. Ngunit dahil natalakay na natin ang Flores de Mayo, dumako tayo sa Santacruzan.

Sa tradisyon ng mga Katoliko, bahagi ang Santacruzan ng selebrasyon sa nasabing buwan. Ito ang re-enactment sa paghahanap sa Tunay na Krus (True Cross), ang krus kung saan namatay si Jesus. Si Reyna Elena ang nakatagpo nito matapos ang matagal na paghahanap, kaya siya ang may hawak na krus sa prusisyon.

Sa prusisyon, lagging nauuna si Methusela. Noong bata pa kami, isa sa mga hyperbole ng nanay ko ang “matanda pa sa humukay ng ilog” kapag may idini-describe siyang taong matanda. Iyon nga si Methusela. Siya ang pinakamatandang taong nabuhay sa mundo, sa edad na 999 years old. Nakasakay siya sa kariton at may dalang malaking palayok na may lamang buhangin at bato. Ito ang simbulo na lahat ng bagay sa mundo ay nanggaling sa lupa, at muling babalik sa lupa.

Susunod kay Methusela ang Reina Banderada. Pula ang kanyang damit ay may dalang triangular yellow flag.

Simbulo siya ng paglago ng Kristiyanismo sa bansa.

Kasunod nito ang Reina de las Aetas. Siya ang simbulo ng Pilipinas bago pa nagkaroon ng Kristiyanismo. Sila ang mga pagano noong unang panahon.

Reina Mora naman ang sagisag ng ating Muslim brothers and sisters sa Mindanao.

Reina Juana naman ang simbulo ng mag-asawang Raja Humabon at Humamai na nabinyagang Carlos at Juana nang maging Katoliko. Naganap ito sa Cebu kung saan naganap ang unang misa sa bansa at una ring pagbibinyag – na siya ring simula ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Bilang regalo, ibinigay sa kanila ang imahe ng Sto. Niño na kinikilala ngayon na Santo Niño de Cebu.

Magkakasunod naman sa likod ng Reina Juana ang Reina Fe, Reina Esperanza at Reina Caridad.

Sila ang sumisimbulo sa karakter ng mga Filipino: Fe-faith – na may matibay na pananalig sa Diyos. May dala siyang krus. Esperanza – hope o pag-asa – kung saan may dala siyang “anchor.” At Caridad o charity, na nagpapahayag ng eternal o pure love. May dala siyang puso.

Reina Abogada naman ang sumisimbulo ng pagtatanggol sa mga mahihirap at inaapi. Nakasoot siya ng toga at may hawag na itim na aklat.

Reina Sentenciada naman ang representasyon ng taong naparusahan sa kasalanang hindi niya ginawa. May tali ang kanyang mga kamay ay may kasamang dalawang sundalong Romano.

Si Reina Justicia ang repleksyon ng katarungan. May hawag siyang timbangan at espada. Nakapiring ang kanyang mga mata na ang ibig sabihin ay walang kinikilingan ang batas.

Galing si Reina Judith sa Pethulia. Sinagip niya ang buong siyudad mula sa mga Assyrians sa pamamagitan ng pagpugot sa ulo ng malupit na si Holofernes. May dala siyang pugot na ulo at espada.

Binisita ni Reina Sheba si Haring Solomon upang subukan ang kanyang talion. Sa huli, humanga siya dito hindi lamang sa kanyang ralino kundi maging sa kanyang yaman. May dala siyang gintong kahon.

Galing si Reina Esther sa tribo ng mga Hudyo at sinagip niya ang kanyang mga kalahi sa kamatayan dahil sa pakiusap niya kay King Xerxes. May dala siyang setro na sa dulo ay may palamuting Star of David. Siya ang Jewish Queen of Persia na nagpapaalala ng cardinal virtue of prudence.

Ang Babaeng Samaritana ay ang babaing nagbigay kay Jesus ng tubig mula sa balon kaya isang malaking banga ang kanyang dala.

Si Veronica ang babaing naglakas-loob na suwayin ang mga sundalong Romano. Ipinunas niya ang kanyang bandana sa dugo at pawis na mula sa mukha ni Jesus noong pasan niya ang krus patungo sa Galilea. Sa nasabing bandana ay nagmarka ang tatlong mukha ni Jesus.

Tres Marias naman ang susunod sa kanya. Si Maria ng Magdala, tagasunod ni Jesus. May dala siyang bote ng pabango. Si Maria Ina ni Santiago, malapit na kaanak ni Inang Maria. May dala siyang bote ng langis. At syempre, Maria Ina ni Jesus. May dala siyang itim na panyo na sumisimbulo sa pagdadalamhati.

Divina Pastora, ang Birheng Maria ang mabuting pastol, na nag-aalaga sa sangkatauhan ay gumagabay sa mga naliligaw ng landas. May dala siyang tungkod ng at may kasama ring tupa.

Ang Reina de las Estrellas ay ang Birheng Maria din. May hawak siyang tungkod na nagliliwanag at may bituin sa dulo.

Isa sa pinakamagandang reyna ay ang Rosa Mystica. Siya si Maria na hinirang upang maging ina ng Mananakop.

Hawak niya ang tatlong rosas – pula, puti at ginto na sumasagisag sa kalinis-linisang puso ni Maria.

Dahil si Maria ay puno ng kapayapaan, siya rin ang Reina Paz o Queen of Peace. Nasa kanyang mga kamay ang isang puting kalapating sumasagisag sa Espiritu Santo.

Si Reina Consolacion ang tagapagbigay ng pag-asa sa mga nawawalan ng pag-asa at nanghihina ang pananalig. May kasama siyang munting anghel na siyang gumagabay sa mga less fortunate children upang magkaroon ng mas mabuting buhay at mas maliwanag na hinaharap.

Reina Verdad naman ang tawag sa Queen of truth. Sa Batangas, tinatawag siyang Reina Verdadera. Siya ang tagapagpalaganap ng katotohanan. May dala tableta ng Sampung Utos ng Diyos.

Si Reina Vida ang reyna ng buhay at tagapagpalaganap ng pagpapahalaga sa buhay. May dala siyang imahe ni “Niño Jesus.”

Ang Reina del Cielo naman ay hango sa ika-5 Misteryo ng Luwalhati, kung saan iniakyat si Maria sa langit ng buong katauhan, hinirang at pinutungan ng korona bilang Reyna ng langit at lupa. May hawag siyang puting bulaklak at may kasamang dalawang anghel.

Tinatawag din siyang Reina de las Propetas, dahil ayon sa mga propeta, “a maiden will conceive and give birth to a boy and she will call him Emmanuel” which means “God is with us.” Naganap ito upang tuparin ang sinabi ng Diyos sa mga propeta. May hawak siyang hour glass.

Reina de las Virgines dahil pinagpala siya sa babaing lahat at pinagpala naman ang kanyang anak na si Jesus, ayon kay Elizabeth nang mapuspos siya ng Espiritu Santo, dahil ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay sumipa bilang pagbati kay Birheng Maria. Haw niya ang isang rosary, at may kasama rin siyang dalawang anghel.

Reina de los Angeles ang sagisag ng pagiging tunay na reyna ng langit ni Maria, dahil maging ang mga anghel ay sumusunod sa kanya. Mjay koronas siyang bulaklak na puti at may kasamang mga anghel.

Isa sa pinakamimithing pwesto ng kadalagahan sa Santacruzan ay ang Reina de las Flores. Siya ay ang diwatang si Maria Makiling ngunit si Birheng Maria din – na sumisimbulo sa respeto, appreciation, tapat na pagmamahal. May hawag siyang pumpon ng mga bulaklak na iba’t iba ang kulay. Makulay na bulaklak rin ang kanyang korona. Kahit anong kulay ng damit ay pwede sa kanya basta masaya.

Sa panghuli, ang Reina Elena. Siya ang in ani Haring Konstantino. Nagtungo siya sa Jerusalem upang hanapin ang krus na kinamatayan ni Jesus. Hawak niya ang krus na sumasagisag sa pagpapakasakit ni Jesus upang matubos ang mga tao sa kasalanan. Kasama rin niya ang isang batang lalaking may koronan—si Konstantino.

Hindi ang Reina Elena ang pinakahuli sa prusisyon kundi ang La Emperatris. Ang Reyna Emperatríz o Queen Empress ay si Reyna Helena rin nang maging hari na si Konstantino na binigyan ng titulong Augusta (“empress” o “queen mother”).

Sa huli, ang imahe ng Mahal na Birheng Maria ay pasan ng dalawang lalaki, habang sa likod ay may grupo ng mga nagdarasal ng rosaryo, sa saliw ng awiting “Dios Te Salve Maria.” At diyan na po nagtatapos ang ating santacruzan, kahit pa binagyo at inulan. RLVN