TULUNGAN SA 19th CONGRESS TINIYAK

Martin Romualdez

TULUNGAN  at koordinasyon ang paiiralin sa pagitan ng Mababa at Mataas na kapulungan sa pagpasok ng 19th Congress.

Ito ang tiniyak ni House Majority Leader Martin Romualdez bilang susunod na lider ng Kamara.

Ayon kay Romualdez, maganda ang magiging ugnayan at samahan ng Kamara at Senado sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.

Aniya, ito na rin ay bilang tugon sa panawagan ng tambalang Marcos at Sara Duterte na pagkakaisa at kooperasyon noong panahon ng kampanya.

Nabatid na isa sa bibigyang-atensyon ng 19th Congress ang mga panukala at batas na may kaugnayan sa pagbangon ng ekonomiya mula sa epekto ng pandemya.