(Tumaas ng 30.4%) 1,682 BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA

NAKAPAGTALA ng 1,682 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) ito mula sa naitalang datos simula Hunyo 6 hanggang Hunyo 12, 2022.

Mas mataas ito ng 30.4 porsiyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Mayo 30 hanggang Hunyo 5.

Nasa 240 naman ang daily average cases.

Samantala, may walong bagong severe and critical cases habang lima naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 20.3 porsiyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 3,188 sa 15,706 non-ICU beds ang gamit.

16.6 porsiyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 345 sa 2,078 ICU beds ang gamit.

Iniulat pa na nasa 498 ang severe and critical admissions, o 11.3 porsiyento ng kabuuang COVID-19 admissions.