NANANAWAGAN ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa publiko at sa mga occupant ng Emilio Aguinaldo College (EAC) building na iwasan at lisanin na ang gusali matapos tumagilid at sumandal sa katabing gusali matapos ang malakas na lindol noong Lunes ng hapon.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, sinabihan na nila ang mga opisyal ng eskuwelahan na huwag nang gamitin ang gusali.
Kinurdonan na rin ng DPWH ang bahagi ng UN avenue para sa seguridad ng mga dumaraan at mga sasakyan.
Isa lamang ang EAC building sa Metro Manila na napinsala bunsod ng 6.1 magnitude na lindol noong Lunes kung saan sa Castillejos, Zambales ang sentro ng nasabing pagyanig. PAUL ROLDAN