TUMAKAS NA INMATE SA PMA NASAKOTE

Arrested Jail

ARESTADO ng joint operative ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Makati City ang person deprived of liberty na tumakas mula sa Philippine Military Academy (PMA) stockade sa Baguio City.

 Pinuri ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang operating units ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at Intelligence Service Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa pangunguna ni Maj. Eric Pahunang sa pag-aresto kay alyas Fred.

 Ang PDL ay nasakote ng mga tauhan ng NCRPO at AFP-ISAFP sa panulukan ng Dela Rosa at Chino Roces  Streets sa Barangay Pio Del Pilar, Makati City.

 Ang inmate, 30-anyos, ng Block 10 Patola St., Barangay Tumana, Marikina City ay tumakas sa PMA Stockade sa Fort del Pilar, Baguio City noong Hulyo 22.

 EUNICE CELARIO