CAGAYAN-ISANG buy bust operation ang ikinasa nang pinagsanib na puwersa ng mga miyembro Cagayan PDEU, Provincial Intelligence Unit, CPPO at PNP Tuguegarao laban sa suspek na nasa Street Level Individual Top 10 Priority sa rehiyon.
Nakilala ang suspek na si Aegis Aldheim Catral, 25-anyos at residente ng Ugac Sur, Tuguegarao City, Cagayan na minamanmanan ng mga awtoridad dahil sa aktibidad nito kaugnay sa iligal na droga.
Ayon sa pamunuan ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), nauwi sa putukan at habulan sa pagitan ng suspek at mga awtoridad ang ikinasang drug bust operation noong hapon ng Setyembre 8 sa Gonzaga Extension, Centro 10, Tuguegaro City, Cagayan.
Sa ulat na ipinadala ng Cagayan Police Provincial Office, habang isinagasagawa ang operation ay nakatunog umano suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon kaya pinaputukan ang mga ito subalit sa kabutihang palad ay ang sasakyan ng mga pulis ang tinamaan.
Kaagad namang gumanti ng putok ang mga awtoridad na noo’y mabilis na tumakas ang suspek na lulan ng kanyang kotse at tinamaan ang gulong nito na umabot hanggang sa Bonifacio St, Centro 7, sa naturang lungsod ang habulan hangggang sa makorner ng mga pulis sa harapan ng isang bangko.
Napilitang namang basagin ng mga operatiba ang salamin ng sinasakyang kotse ni Catral para posasan ito.
Natagpuan sa loob ng sasakyan ang isang Caliber 9mm na may magazine at kargado ng limang bala, apat pa na magazine ng naturang kalibre, isang unit ng Taurus Cal. 9mm, at tatlong piraso ng magazine na may tig-26 na bala at granada.
Nakumpiska rin ng mga awtoridad ang tatlong pakete na naglalaman ng shabu na may DDB na P15,000 , pera na nagkakahalaga ng P6,320 at ang ginamit na sasakyan.
Habang ang suspek ay mahaharap sa patong-patong na kasong paglabag sa RA9165, RA10591 at RA 9516. IRENE GONZALES
673559 68878Great job! 313605
585913 397695Thank you for your style connected with motive though this info is certain location a new damper within the sale with tinfoil hats. 294349
181608 970134Depending on yourself to make the decisions can genuinely be upsetting and frustrating. It takes years to build confidence. Frankly it takes a lot more than just happening to happen. 653734