(Tumanggap ng P1.23-B study funding) 82 BIG-TICKET PROJECTS

Mark Villar

MAY kabuuang 82 projects ang sumasailalim ngayon sa feasibility studies, preliminary at detailed engineering design, economic analysis, technical studies, at traffic impact assessment, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang pag-aaral para sa naturang mga proyekto ay tumanggap ng P1.23-B allocation sa iilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA).

Sa isang statement, sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na sa Luzon pa lamang, 33 proposed projects ang tumanggap ng study funding.

Kinabibilangan ito ng iSamson Road to NLEX Connector Link Project sa ilalim ng  DPWH National Capital Region na nagkakahalagang P36.9 million at Region 1’s Alaminos-Lucap Bypass Road sa Pangasinan,  P11 million,

Ang Cordillera Administrative Region ay tumanggap ng funding para sa pitong proyekto na nagkakahalagang  P94.4 million, na sakop ang Mongol-Nalbu-Alimit-Nattum-Dulao Road at  Boliwog-Abinuan-Alimit (Mayoyao) Road.

Tumanggap naman ang Region 2 ng P37.5 million para sa pag-aaral sa apat na proyekto na sumasakop sa Baybayog Bypass Road at Quezon-Delfin Abano Road.

Sa Region 3, apat na proyekto ang tumanggap ng P60 million study funding na sumasakop sa San Miguel-Cabanatuan Road and San Leonardo-San Antonio Bypass Road, at Concepcion-Mabalacat Bypass Road

Pitong proyekto naman sa Region 4-A ang tumanggap ng rP126.3 million para sa Batangas Grand Terminal Flyover, Cavite-Batangas Bypass Road, at Tanza-Nasugbu Road.

Sa Region 4-B, apat na proyekto ang binigyan ng  P68.6 million funding para sa Sablayan-Sta. Cruz Diversion Road at Lubang Island Circumferential Road.

“Five projects in Region 5 costing P47.1 million received funding, which include the Sipocot Bypass Road and Mabolo-Almeda Bypass Road among others,” ayon sa DPWH.

“On top of thousands of ongoing projects under DPWH, 82 new high-impact projects are being studied so we can further improve road networks across the country,” ani Villar.

“Timely studies are crucial to successful project development as they lay the foundation for the implementation or civil works phase.”

Comments are closed.