TUMATAAS BA MULI ANG BILANG NG KASO NG COVID-19?

NOONG ika-31 ng Disyembre 2019, nagbigay ulat ang China sa World Health Organization (WHO) na may kakaibang sakit na hawig sa ordinaryong sipon nguni’t nakamamatay ang nadiskubre nila sa Wuhan City. Ito ay mabilis kumalat sa nasabing lungsod. Pinangalanan ang nasabing bagong uri ng virus ng WHO bilang 2019-nCov o Covid-19.

Dahil ang Wuhan City ay isa sa mga sentro ng negosyo, turismo at ekonomiya sa China, maraming mga banyaga ang pumupunta roon at bumabalk muli sa pinagmulan na bansa pagkatapos ng ilang araw.

Ito ang naging hudyat na pagkalat ng Covid-19 sa iba’t ibang parte ng mundo kung saan naitala ang Covid-19 bilang isa nang pandemya. Kung ano ang bilis ng pagkalat ng nasabing nakamamatay na sakit, ganoon kabilis ang pagkandarapa ng mga mayayaman na bansa upang makahanap na gamot at bakuna upang labanan ang Covid-19.

Hindi ko na kailangan na isa-isahin pa ang mga pangalan ng mga uri ng bakuna. Subali’t tagumpay ang mga ibang bansa na maagapan ang paglala ng bilang ng kaso nito. Samantala, ang mahihirap na bansa ay patuloy pa rin na nahihirapan na itigil ang bilang ng kaso nito.

Tulad sa pelikula, tila may pagbabago sa istorya ng Covid-19. May bagong ‘variant’ o uri ng Covid-19 ay mas agresibo at mas madaling makahawa. Ang tawag nila ay ang Delta variant. May mga haka-haka na ang mga kasalukuyang bakuna ay hindi handa sa nasabing Delta virus. Kaya naman may mga naririnig tayo na bagama’t nabakunahan na ang isang indibidwal, wala pa rin kasiguraduhan na ligtas ka sa Delta variant. Ganun pa man, wala pang pormal o opisyal na pahayag ang WHO kung totoo ito. Patuloy pa rin ang paghihikayat sa mga tao na magpabakuna.

Sa rehiyon ng Southeast Asia, mukhang tumataas muli ang bilang ng kaso ng tinatamaan ng Covid-19.

Malala na raw sa Indonesia at Myanmar. Samantala, nagbabanta ang pagtaas din ng bilang ng kaso sa Malaysia, Singapore at Pilipinas. Ganoon din ang estado sa Amerika, Australia at sa bansang Europa na tumataas muli ang bilang ng kaso ng Covid-19.

Ayon sa DoH, ang Metro Manila at lima pang rehiyon ay may nagbabadyang pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid-19 nitong nakaraang linggo. Kasama rito ang Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas at Northern Mindanao. Subalit hindi pa maaaring ilagay sa kategorya na ‘surge’ o biglang pagsipa ng dami ng kaso sa nasabing sakit.

Ang magandang balita ay sunod-sunod na ang pagdating ng mga bakuna sa ating bansa laban sa Covid-19. Ayon sa ating gobyerno, naka-secure na raw tayo ng 164 million na bakuna para sa taong 2021.

Naglaan din ng P45 billion na budget para sa 2022 sa pag-aangkat pa mga karagdagang bakuna.

Magandang balita ito. Ang mahalaga na lamang ay magkusa tayong magpabakuna at patuloy pa rin ang pag-iingat na huwag mahawahan ng Covid-19 bakunado ka man o hindi pa. Napapa-iling nga ako sa mga nababasa kong balita sa ibang bansa. Mayayaman ang mga bansang Amerika, United Kingdom, France, Australia at mga bansang tulad nila na pinagpala na marami ang supply ng bakuna.

Ang problema nila ay kung paano pipilitin ang kanilang mga mamamayan na magpabakuna o magsuot ng face mask upang maiwasan ang pagkalat ng Delta variant. Aba’y napo-protesta pa sila dahil karapatan daw nila na huwag magpabakuna. May kalayaan din daw sila na huwag magsuot ng facemask at makihalubilo sa mga matataong lugar.

Hay naku. Ang Covid-19 ay walang pinipili. Walang pakialam sa karapatan at kalayaan. Kung pwede nga lang ay kung ayaw nilang gamitin ang karapatang magpabakuna ay ibigay na lamang sa mga bansa na bukas na tanggapin ang mga bakunang ito.

4 thoughts on “TUMATAAS BA MULI ANG BILANG NG KASO NG COVID-19?”

  1. 992102 214055Someone essentially lend a hand to make critically articles Id state. That may be the initial time I frequented your internet site page and so far? I amazed with the research you made to create this actual post extraordinary. Amazing activity! 543531

Comments are closed.