GALIT na galit sina Melai Cantiveros at Janella Salvador sa mga netizen na sinabihang pangit ang kanilang mga anak.
Ayon kay Melai, hindi niya mapapalampas ang netizen na nanlait sa anak niyang babae. Aniya, laitin na siya ng lahat, huwag lamang ang kanyang mga anak.
Sobra talaga ang galit niya kay @stan.francine.chin na maaaring fan ni actress Francine Diaz dahil sinabi umano nitong tigilan na niya ang pambubuyo sa onscreen partner ni Grancine na si Kyle Echarri kay “Pinoy Big Brother” alumus Chie Filomeno.
“Epal mo din e ano. ‘Wag mo i-ship si Kyle kay Chie. Anak mo nga ang pangit,” ayon sa basher na ikinagalit ni Melai.
“Papahanap ko sa NBI ang account mo,” ani Melai. “Mahahanap kita at dedemanda kita sa sinabi mo sa anak ko. Ako sabihan mo, ok lang, ‘wag ang anak ko.”
Ayon naman sa mga fans ni Melai, tama lang ang ginawa nito para mabigyan ng leksyon.
“‘Wag basta magpadala sa feelings tapos pipindut na lang na ‘di inaalam kung may mahuhurt ka ba na damdamin. Matuto tayo rumespeto ng tao,” anila. “Kung ‘di mo gusto ang sinasabi ng ibang tao, irespeto mo and let’s mind our own business, at last, magpatawad at magmahalan,” she added.
Sa kaso naman ni Janella, hindi lamang siya kundi ang partner na si Markus Paterson ang nagalit sa uminsulto sa kanilang kaisa-isang anak na lalaki.
“People like this make me sick,” ani Paterson. “Wala pang isang taon anak ko, nilalait na ninyo.”
Unang nakita si Baby Jude, anak ni Janella at Markus, kasama si Erich Gonzales, na binigyan ng maaanghang na kumento ng mga netizens.
“Jusko po panginoong mahabagin, ba’t ganyan ang mukha ng batang yan. Ayaw nyo pa aminin na makasalanan ang mga tao kaya may ipinanganak na ganyan,” sani ng isang netizen
“I’m no stranger to bashing, dagdag pa ni Markus, “but come for my son and I will come for you. I have no words other than I hope you someday find the happiness you need to [fulfill] that hole in your hearts. Maybe one day I can check on you all, since I have your names. Your humor must be really f****d up to make fun of a baby. I can take all the bashing in the world directed at me with grace, but direct it at my innocent son and you’ll definitely hear from me,” sabi naman ni Janella.— KAYE NEBRE MARTIN