(‘Tumulong’ sa pagtakas ni Guo) 24 EX-PNP CHIEFS PINAIIMBESTIGAHAN

PINAIIMBESTIGAHAN na ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang akusasyon sa Senado na isang dating PNP chief ang tumulong kaya nakapuslit ng bansa si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Huang Ping.

Kasabay nito, itinanggi ni Marbil sa isang panayam na may natanggap na silang ulat hinggil sa nasbing kontrobersiya.

“Wala pa po kaming report coming from [retired] General Raul Villanueva doon sa sinabi niya, but we are investigating 24 of our former chief PNP kung involved po sila,” ani Marbil.

Nitong Miyerkules, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, Col. Jean Fajardo na inatasan na ni Marbil ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na makipag-ugnayan kay Ret. Gen. Raul Villanueva hinggil sa nabulgar sa Senado na nagtuturo sa isang dating PNP chief na tumanggap ng payola sa ilegal ng POGO at tumulong umano kay Guo na makalabas ng bansa noong Hulyo 18.

“No one is above the law, kahit dati pa siyang PNP chief,”ayon sa kasaluyang liderato ng organisasyon.

Ani Fajardo, kanilang seseryosohin ang alegas­yon  subalit dapat mayrong ebidensiya at magpapatunay sa kinasangkutan ng dating PNP chief.

“We will take it from there but kung mayroong mga ebidensya na makakapaglink at makakapag-approve na itong sinasabi itong former chief PNP, so kahit former chief PNP ka pa ay hindi ka above the law,” ayon kay Fajardo.

Pinatutukan din ni Marbil ang imbestigasyon at tiniyak na walang sa­santuhin.

EUNICE CELARIO