(Tumutulong para tuldukan ang online sexual abuse sa mga bata) INSENTIBO SA MGA KOMPANYA

a

KINOKONSIDERA ni Senadora  Risa Hontiveros ang pagkakaloob ng insentibo sa mga pribadong kompanya na tumutulong sa mga awtoridad na wakasan ang online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC).

“Providing incentives may be the most effective way to ensure this,” pahayag ni Hontiveros. May karampatang parusa pa rin kung hindi sila susunod sa batas.”

Nauna nang inihain ni Hontiveros ang Senate Bill 2068, o ang Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation Law, na naglalayong patawan ng parusa ang mga pribadong kompanya na hindi tutupad sa kanilang obligasyon sa ilalim ng panukala.

Sa ilalim ng  panukala, parurusahan ang mga kompanyang  sasali o susuporta sa internet address na nagho-host sa OSAEC, ang mga umuupa, nag-eempleyo, o nagbabayad ng facilitator para mag-stream ng sexual abuse ng mga bata, at ang mga nakikinabang sa OSAEC.

Ang mga Internet service provider na hindi nagbibigay ng notice of exploitation sa kanilang mga serbisyo ay papatawan naman ng multang mula P2 million hanggang P5 million.

“The private sectors’ products are the main channels through which exploitation occurs. Kung magkakaroon ng mas take-charge attitude ang mga kumpanya dahil sa incentives, then we should study this possibility. Laking tulong ito sa mga opisyal natin,” ani Hontiveros.

“When it comes to a crime as stealthy and as technical as OSAEC, our law enforcement agencies need all the help they can get,” dagdag pa niya. LIZA SORIANO

4 thoughts on “(Tumutulong para tuldukan ang online sexual abuse sa mga bata) INSENTIBO SA MGA KOMPANYA”

  1. 822779 782527Hello my family member! I wish to say that this post is wonderful, great written and come with approximately all vital infos. I would like to see extra posts like this . 314106

  2. 594759 654840Its like you read my mind! You appear to know so a lot about this, like you wrote the book in it or something. I feel that you can do with some pics to drive the message home a bit, but rather of that, this really is amazing blog. A amazing read. Ill certainly be back. 364175

  3. 725811 364922Hello! I just now would decide on to supply a enormous thumbs up with the fantastic data you could have here within this post. I will be coming back to your weblog internet site for additional soon. 544350

Leave a Reply

Your email address will not be published.